Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong
Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Krystall Herbal Oil mabisa sa paso at lapnos

Dear Sis Fely Guy Ong,

Mapagpalang araw po sa inyo Sis Fely Guy Ong at Sis Soly Guy Lee, dalangin ko po na lagi kayong malakas at malayo sa lahat ng uri ng masama upang patuloy po kayong makatulong sa mga taong nangangailangan tulad namin na walang pampa-doktor.

Ako po si Sis Fe Reuteras Morte, 54 years old. Ako po ay masugid ninyong tagasubaybay.

Nagpapasalamat po ako una, sa Panginoon at sa inyo Sis Fely dahil napakabisa po talaga ng inyong Krystall Herbal Oil.

Matagal na kaming gumagamit ng inyong produktong Krystall Yellow Tablet at Krystall Herbal Oil.

Noon pong umuwi ako sa amin sa Bicol, gabi na ako dumating at ang nagsundo sa akin ay motor. Dahil madilim, hindi ko nakita na ako ay bumaba sa bandang tambotso, kaya nadikit ang binti ko at ito ay nasunog na parang talong na inihaw.

Salamat na lang dahil dala ko pala ang isang maliit na bote ng Krystall Herbal Oil. Agad ko itong pinahiran. Maya-maya hindi na ako nakaramdam ng kirot.

Hanggang sa pag-uwi ko rito sa Tanauan City, Batangas tuloy pa rin ang haplos ko ng Krystall Herbal Oil.

Alam n’yo po Sis Fely, ngayon parang wlang nangyaring nasunog ang balat, dahil balik ang kulay.

Mayroon pa po iyong anak ko nabuhusan ng tubig na mainit na bagong salin sa thermos sa kanyang hita. Ito’y namula agad at natulo din, ang laman pa naman malaki pa sa dalawang palad kaya po bumili ako agad ng Krystall Herbal Oil at iyon ang ibinuhos sa hita niyang napaso.

Salamat po sa Diyos! Talagang napakabisa ng Krystall Herbal Oil. Ngayon po balik sa dati ang kulay ng balat parang hindi napaso.

Thank You po kay Lord. God Bless.

                          Sumasainyo,
FE RUETRAS MORTE

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …