Saturday , November 16 2024

EO vs endo binalewala ng 3K firms — DOLE

MAHIGIT 3,000 mula sa 54,000 kompanya sa buong bansa ang hindi sumunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Du­terte na pagbabawal sa kontraktuwalisasyon, ayon sa labor department nitong Linggo.

Sinabi ni Department of Labor and Employ­ment Secretary Silvestre Bello III, uma­abot sa 3,337 companies na kabilang sa inins­peksiyon ay natuklasang hindi sumunod sa utos ng Pangulo, at dahil dito, sinabing ang DOLE ay maaaring magdeklara ng mandatory regulariza­tion katulad ng ginawa sa ibang mga kompanya.

“President Rodrigo Duterte has ordered the department to inspect the 900,000 business establishments across the country to know if they are complying with Executive Order 51 that prohibits illegal contract­ing and sub-contracting,” aniya.

Sakop sa inspeksiyon ang “all parties including cooperatives”  aniya, idinagdag na ang ulat, na kailangang isumite sa loob ng 30-araw, ay dapat naibigay na sa Pangulo nitong Biyernes.

“Binigyan namin ng paliwanag ang ating Pangulo na hindi talaga namin nakayanan ‘yung mag-inspection doon sa 900,000 business establishment throughout the country. We only have about 500, a little less than 600 labor law compliance officers.”

“Kaya ang na-inspect lang namin so far ay 54,000. Out of which, doon sa report, mayroong 3,337 non-compliant companies,” dagdag niya.

Sinabi ni Bello, ang mga kompanyang hindi sumunod sa executive order ay sangkot sa iba’t ibang negosyo, katulad ng hotel, retail, at malls. “We are talking of violations of labor-only contracting companies.”

Aniya, ang non-compliant companies ay aatasang sundin ang mga probisyon ng executie order. Kung hindi ay mapipilitan silang iutos na gawing regular ang kanilang contractual workers, katulad ng kani­lang ginawa sa PLDT.

“They have a little over 8,000 employees, e, about 90 percent puro mga contractual. At saka ‘yung service providers nila, puro labor-only contracting.”

“So we advised them to regularize. Noong hindi sumunod, I declared all their workers as regular workers and they have to pay all the dues, all the benefits as provided by law,” dagdag niya.

Magugunitang ina­min ni Duterte kama­kail­an na hindi sapat ang executive order para mapahinto ang “endo” (end of contract) at illegal contractualizat­ion.

Aniya, kailangan mag­pa­sa ng batas ang Kongreso na mag-aa­miyenda sa Labor Code upang epektibong mare­solba ang mga problem­ang dulot ng kontrak­tuwalisasyon.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *