Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal FGO Fely Guy Ong

Krystall products katuwang ng pamilya sa pangangalaga ng kalusugan

DEAR Sis Fely,

Nawa’y bigyan po kayo ng mahabang buhay, kalakasan at kalusugan ng inyong katawan pati na ang mga mahal ninyo sa buhay.

Nilakipan ko po ng sulat patotoo dahil wala po akong time na maghanap ng telepono sa bayan.

Nasa barrio o sitio kami kailangan pang pumunta pa sa bayan.

Taong 1998, nasumpungan ko po sa radio ang Krystall products ninyo. Inuubo po ako noon at napakinggan ko po sa radio ang Krystall oil.

Napaka-epektibo sa ubo at bumili ako sa botika sa Farmacia Fatima sa tapat ng PGH at ipinahid ko sa dibdib ko at likod.

Nakadama ako ng ginhawa sa aking katawan mula noon hanggang ngayon.

Nasubukan ko na pong lahat ang ibang produkto ninyo tulad ng Krystall Yellow Tablet, Krystall Nature Herbs.

Ang isang anak ko ay sumasakit ang tiyan namimilipit siya sa sakit ng tiyan. Una ko pong ginawa ay nag-Salmo po ako tapos pinahiran ko po siya ng Krystall Herbal oil. Pinainom ko po siya ng Krystall Nature herbs.

‘Yun lang po at awa ng Diyos gumaling po siya. Kasi po ang anak ko po ay mahilig sa malamig na inumin kaya ganoon ang nangyari sa kanya. Panay ang sabi ko sa kanya na huwag siyang laging umiinom ng softdrinks na malamig.

Salamat sa Krystall products na nadiskubre ninyo at buhat nang masumpungan ko sa radio, hindi na ako nagpapawala sa aming bahay.

Sis Fely, God bless you and more power to you.

Nagpapasalamat,
Sis Felicidad Quiñones

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa  telepono bilang (02) 853-09-17 o  852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Paranaque City.

Back To Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …