Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal FGO Fely Guy Ong

Krystall products mula nang marinig sa radio hindi na nawala sa tahanan

Dear Sis Fely Guy Ong,

Nawa’y bigyan pa kayo ng mahabang buhay, kalakasan at kalusugan ng inyong katawan pati na ang mga mahal ninyo sa buhay.

Nilakipan ko po ng sulat patotoo dahil wala po akong time na maghanap ng telepono sa bayan.

Taon 1998 nasumpungan ko po sa radio ang Krystall Herbal Products ninyo. Inuubo po ako noon at napakinggan ko po sa radio ang Krystall Herbal Oil na epektibo sa ubo at wala akong atubiling bumili sa Farmacia Fatima sa tapat ng PGH.

Ang ginawa ko, pinahid ko sa dibdib at likod hanggang nakadama ako ng ginhawa sa aking katawan noon.

Hanggang ngayon nasubukan ko na po lahat ang ibang produkto ninyo tulad ng Krystall Yellow Tablet, Krystall Nature Herbs.

Ang isang anak ko ay sumakit ang tiyan, una ko pong ginawa ay nag-Salmo po ako tapos pinahiran ko ng Krystall Herbal Oil ang kanyang tiyan, pinainom  ko po siya ng Krystall Nature Herbs. Iyon lang at awa ng Diyos gumaling siya. Kasi po ang anak ko ay mahilig sa malamig na inumin kaya ganoon ang nangyari sa kanya. Panay ang sabi ko sa kanya na huwag siya lagi uminom ng softdrinks o malalamig na inumin.

Salamat sa Krystall products na naimbento ninyo at buhat nang masumpungan ko sa radio hindi na ako nagpapawala sa aming bahay.

Sis Fely, God bless you and more power to you.

Happy Anniversary sa ating lahat.

Nagpapasalamat,
Sis Felicidad

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa  telepono bilang (02) 853-09-17 o  852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Paranaque City.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Love Kryzl

Love Kryzl at mga kapatid ipinagdiwang musika, negosyo, at tagumpay

PINAGSAMA ni Love Kryzl at mga kapatid nito ang musika, negosyo, at pagpapahalaga sa pamilya sa isang …

SM Waste-Free Future WFF

Take small steps for big change: SM Waste-Free Future illustrates doable actions for a cleaner, greener planet.

MANILA, Philippines – Becoming part of the solution toward better waste management practices has been …

POLPHIL Ric Serrano Danilo Lim Elmer Argano

Provincial rate ibasura
Pantay na sahod para sa pantay na trabaho isabansa – POLPHIL

IPINAHAYAG ng People’s Progressive Humanist Liberal Party (POLPHIL) ang buo at walang pasubaling suporta sa …

DOST 12 SOCCSKSARGEN iHubs

DOST Strengthens Regional Startup Ecosystem Through the Rollout of iHubs Across SOCCSKSARGEN

AS part of its continuing efforts to strengthen the startup ecosystem across the country, the …

NHMFC BYC

NHMFC advances blockchain initiative to bolster transparency and housing finance securitization

The state-run National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC) is taking a significant step toward strengthening …