Friday , June 13 2025
PANGIL ni Tracy Cabrera

Diwa ng Tunay na Manggagawa

Hospitality is present when something happens for you. It is absent when something happens to you. Those two simple prepositions — for and to — express it all.

— Danny Meyer

 

PASAKALYE:

IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte ang agarang paglilinis ng pinakasikat na tourist hotspot ng ating bansa — ang Boracay — sa pagbabansag bilang isang ‘sewer pool’ o pozo negro, na hindi siya mag-aatubiling ipasara kung kinakailangan.

Inatasan ng punong ehekutibo si environment secretary Roy Cimatu para linisin ang isla ng Boracay sa loob ng anim na buwan, na ayon sa dating alkalde ng lungsod ng Davao ay ‘overdeveloped’ at ngayo’y isa nang ‘disaster.’

Mahigit dalawang milyong lokal at dayuhang turista ang dumadalaw sa Boracay taon-taon dahil sa maputing buhangin at magagandang tanawin dito, bukod sa maraming water sports activity.

Hinihirang ng mga travel magazine bilang isa sa top tourist destination para sa relaxation, nakapagbibigay ang Boracay ng revenue mula sa mga five-star resort at beachside restaurant at nananatili itong pangunahing pang-akit sa mga turista mula sa South Korea, China, Estados Unidos at Australia.

Ngunit nagbabala ang Pangulo na maaaring mapatigil ang ganitong kalagayan dahil na rin sa basura at pagsasalaula sa kalikasan na kamakailan ay sadyang natambakan ang karagatan ng tone-toneladang dumi.

Pahayag ng punong ehekutibo: “You created a disaster there.”

Sinabi rin ni Duterte na mananagot ang pa­mahalaang lokal at mga residente ng Boracay sa pagkasira ng kalikasan sa kanilang lugar.

Galit na sinabi ni Duterte: “I will charge you for serious neglect of duty making Boracay a fishpond or a sewer pool. There will be a time that no more foreigners will go there.”

 

REAKSIYON:

Hindi lamang basura ang aktuwal na problema sa ating mga tourist spot… maging ang mga tu­ristang dayuhan na dumadalaw sa ating bansa ay mayroong din ‘basura’ na maituturing dahil sa pagtrato nila sa ating kababaihan.

***

NAITALAGA bilang director ng Bases Conversion and Development Administration (BCDA) ang ating kaibigang si Ginoong Dave Diwa.

Panibagong tungkulin na naman ang naiatang sa balikat ng ating kaibigan, kilala nating isang tunay na lider ng mga manggagawa at lumalaban sa karapatan ng bawat Filipino para sa maayos at matiwasay na pamumuhay.

Kudos sa iyo, Ka DAVE!

***

PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala ng mensahe o impormasyon sa email na [email protected] o dili kaya’y i-text sa cellphone numbers 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pamilya sa lansangan may pag-asa kay Rex

SIPATni Mat Vicencio KUNG naglipana man sa lansangan ang mga taong-grasa at pulubi, higit na nakababahala …

Firing Line Robert Roque

Social media, dapat panig sa katotohanan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ANG INILAHAD ni Defense Secretary Gilbert Teodoro sa Shangri-La …

Dragon Lady Amor Virata

May titiba na naman sa NCAP  

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata TINANGGAL na nga ng Korte Suprema ang temporary restraining …

YANIG ni Bong Ramos

Hanay ng mga vendor sa Maynila, nagpapasalamat na kay Yorme Isko

YANIGni Bong Ramos LUBOS na nagpapasalamat kay Yorme Isko Moreno ang hanay ng mga vendor …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tamang desisyon… tamang opisyal sa tamang posisyon

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA! Ang alin? Ang ginawang desisyon ni Pangulong Bong Bong Marcos …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *