Friday , April 25 2025
PANGIL ni Tracy Cabrera

Gaano kalala ang sexual harassment sa Filipinas?

But the issue of sexual harassment is not the end of it. There are other issues – political issues, gender issues – that people need to be educated about.

— Anita Hill

 

PASAKALYE:

Inaresto ng mga operatiba ng Anti-Cybercrime Division ng National Bureau of Investigation si Abdul Razaq Bukhari, may hawak ng parehong Filipino at Pakistani citizenship, matapos irekamo ng kanyang girlfriend sanhi ng pag-post ng mga hubad na larawan ng dalaga sa internet makaraang makipaghiwalay sa suspek.

Ayon sa kasintahan ni Bukhari, nakilala niya ang Pakistani sa pamamagitan ng kanyang Facebook account at kalaunan ay nagkaroon sila ng long distance relationship. Gamit ang Facebook Messenger bilang paraan ng kanilang komunikasyon, nag-demand umano si Bukhari na ipakita ng dalaga ang mga pribadong bahagi ng kanyang katawan na hindi man lang napagtanto ang magiging resulta nito dahil napamahal na rin ang suspek sa biktima.

Pero nang madiskubre ng complainant na may asawa pala si Bukhari, nagdesi­syon siyang wakasan ang kanilang relasyon, ngunit hindi ito tinanggap ng Pakistani at matapos mabigong himukin ang dating girlfriend na magbalikan sila at nalaman na may bago nang kasintahan, sinimulan ng suspek na i-blackmail ang dalaga sa pamamagitan nng pag-post online ng kanyang mga hubad na larawan at pagpapadala sa mga kaibigan ng biktima.

***

DUMAGSA ang mga reklamo laban sa sexual harassment na inihayag ng ilang malalaki at sikat na pangalan sa Hollywood, kabilang na sina Ashley Judd, Kate Beckinsale at maging sina Cara Delevingne at Salma Hayek, para mabulgar ang patuloy na pag-iral ng pag-aabuso ng mga pro­dyuser, direktor at iba pang maiimpluwensiyang indibiduwal sa mga nagnanais na sumikat sa showbiz.

Hindi ito akalain ng tulad ng Hollywood mogul na si Harvey Weinstein… at iba pa.

Dito kaya sa Fillipinas, hindi kaya nangyari din ang kahintulad na pag-aabuso o pag-take advantage ng ilang mga kilalang tao sa larangan ng pinilakang tabing?

Hindi tayo magtataka kung ang kasagutan dito’y “oo” dahil ilang mga kompanya ay may nagaganap na mga kabuktutan na ang mga gumagawa ay yaong matataas na opisyal ng naturang mga establisyemento.

Halimbawa ang pagsasampa ng apat na empleyado ng Mayasian firm, na ang mismong chief executive officer ng kompanya na si Roesholm ‘Ric’ Camaligan ang gumawa ng kahalayan sa kanila.

Dumulog sa tanggapan ng batikang human rights advocate Atty. Rogelio ‘Waray’ Evasco sina Erica Patricia Chua, 27, ng Sangandaan, Caloocan City; Jillian Jan, 29, at Mariza, 27, parehong taga-Cubao , Quezon City; at Angelica, 26, ng San Rafael, Bulacan para ireklamo si Camaligan at nagdesisyon ang apat na complainant na sampahan ng kasong kriminal at sibil ang naturang opisyal ng kompanya.

***

PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala ng mensahe o impormasyon sa email na [email protected] o dili kaya’y i-text sa cellphone numbers 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!

About Tracy Cabrera

Check Also

Firing Line Robert Roque

Tara, PNP, pustahan tayo!

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAHIRAP paniwalaan ang patuloy na paninindigan ng Philippine National …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Hustisya sa kuwaresma hatid ng PNP sa pamilya Que-Pabilio

AKSYON AGADni Almar Danguilan TUWING kuwaresma ang lahat ay nagpapahinga, nagbabaksyon, nagninilay, etc…dahil walang pasok …

Sipat Mat Vicencio

Masisikmura ba ng DDS na iboto si Imee?

SIPATni Mat Vicencio SA KABILA ng pambobola ni Senator Imee Marcos sa pamilyang Duterte, magagawa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperado na si Camille Villar at ang paglaglag ni Sara sa PDP-Laban senatorial slate

AKSYON AGADni Almar Danguilan DAHIL sa ginawang pag-endoso ni Vice President Sara kina Senator Imee …

Sipat Mat Vicencio

Si Grace, si Brian at ang FPJ Panday Bayanihan Partylist

SIPATni Mat Vicencio TANGAN ngayon ni Brian Poe ang ‘sulo’ ng pakikibaka na inumpisahan ni …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *