BUMAGSAK sa ikalimang puwesto ang Filipinas mula sa ika-apat, na mayroong mataas na record ng mga napapatay na journalists sa buong mundo sa nakalipas na 10 taon, ayon sa isang press freedom watchdog na nakabase sa New York.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, sa 2017 Global Impunity Index na ipinalabas ng Committee to Protect Journalists (CPJ), bumagsak sa panglimang puwesto ang Filipinas mula sa pang-apat.
“Philippines drops in impunity index of the Committee to Protect Journalists (CPJ),” paliwanag ni Sec. Andanar sa media briefing sa Malacañang.
Ayon kay Andanar, dapat ay matuwa ang sambayanan dahil bumuti ang sitwasyon ng bansa mula sa mga nakaraang ranggo nito.
Matatandaang itinu-ring na pangalawa sa pinakadelikadong bansa para sa mediamen ang Filipinas noong 2013. Naging ikatlo ito noong 2014 at sa taong 2015 at 2016 ay nanatili sa ika-apat na puwesto.
Ang nangunguna sa listahan ng CPJ ay Somalia, Syria, Iraq, South Sudan, Filipinas, Mexico, Pakistan, Brazil, Russia, Bangladesh, Nigeria at India. Nakabase ang ulat ng CPJ mula 1 Setyembre 2007 hanggang 31 Agosto 2017.
Ang mga bansa na mayroong lima o higit pang unresolved murder cases sa loob ng nasabing period ay kasama sa index at 12 bansa ay nakasama pa rin mula sa 13 bansa noong nakaraang taon.
Nangako si Undersecretary Joel Sy Egco ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) na prayoridad ng kanilang tanggapan ay proteksiyonan ang mga mamamahayag gaya ng kautusan ni Pangulong Rodrigo “Digong”Duterte nang itatag ang PTFoMS noong Oktubre 2016 sa pamamagitan ng Admi-nistrative Order no 1.
“We will continue to fulfill our mandate of ensuring the protection of the life, liberty and assure the security of all media workers in the Philippines. Being in the fifth slot may seem to be a marked improvement from our past rank as second, but we must not put our guard down and be complacent. For as long as there is one journalist in danger, we will continue to exist,” paliwanag ni Egco.
Layunin aniya na maalis sa listahan ng CPJ ang bansa sa mga dara-ting na panahon lalo nga-yong magkakaroon ang PTFoMS ng sarili nitong opisina at mga kagamitan.
Pinasalamatan ni Andanar sa kaniyang mensahe ang mga bumubuo ng PTFoMS at media partners gaya ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas, National Press Club, National Union of Journa-lists of the Philippines, Philippine Press Institute, Publishers Association of the Phils, Inc., at Center for Media Freedom and Res-ponsibility.
Ani Egco, panguna-hing trabaho ng PTFoMS ay bigyan ng proteksiyon ang mamamahayag sa bansa sa kautusan ni Duterte at tinutupad nila ang order nito at sa katunayan ay ilang kaso ng pagpatay at tangkang pagpatay sa mga mamamahayag sa ilalim ng Duterte government ay kanila agad inaksiyonan.
HATAW News Team