Friday , November 15 2024

Maute sympathizer, financier, ‘di umubra sa QCPD

KUNG inakala ng nadurog nang grupong Maute –ISIS na nakapokus lang ang gobyerno sa pagbawi  (pagpapalaya) ng Marawi City, isa itong malaking pagkakamali lalo sa mga sympathizer ng grupong terorista.
Isa nga itong pagkakamali dahil hindi lang pagbawi sa Marawi ang naging misyon ng AFP, PNP, PN, kung hindi lahat nang may kinalaman sa grupo ay target ng gobyerno lalo ang mga nagbibigay ng suportang pinansiyal sa terorista.
Batid natin na hindi lamang sa labas galing ang suporta ng Maute-ISIS kung hindi mayroon rin sumusuportang lokal. Ang nakalulungkot ilan sa kanila ay local politicians na ang tulong pinansiyal ay kinukupit nila sa pondo ng pamahalaan.
Ilan rin sa local leaders ay pinangalanan habang ang iba ay patuloy na sinusubaybayan ng pamahalaan.
Hindi lang ang sinusubaybayang local politicians ang nakitang tumutulong ng pinansiyal sa Maute-ISIS kung hindi mayroon rin mga negosyante.
Isa nga sa negosyanteng sumusuporta sa terorista ay naaresto ng Quezon City Police District (QCPD) na pinamumunuan ni QCPD director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar,  nitong  Oktubre 25, 2017, sa Novaliches, Quezon City. Katuwang ng QCPD sa pagdakip ang National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at AFP Naval Intelligence Service Group (NISG).
Ayon kay Eleazar, bunga ng pagsubaybay ng QCPD – DSOU, DID, at Fairview PS 5, naaresto si Randy Malawani alyas “Rasdi Macabangkit” residente ng Blk 4 Lot 2 Maytown Circle Greenfields I, Brgy. Kaligayan Novaliches QC.
Nang arestohin si Malawani sa kanilang bahay sa bisa ng search warrant, siya ay nakompiskahan ng isang kalibre .45 na may limang bala at isang Rocket Propelled Grenade.
Ayon kay Eleazar, si Malawani ang isa sa pinagkakatiwalaan ni Ominta Romato Maute alyas Farhana, ina ng Maute Brothers na namuno sa Marawi Siege.
Dagdag ni Eleazar, nang madakip si Farhana noong Hunyo 2017 sa Lanao Del Sur,  tumayong collector si Malawani sa puwesto ng mga tindahan sa Salaam Bazaar na nasa Novaliches Plaza Mall.
Sinabi ni Eleazar na umaabot sa P300,000  ang nakokolekta ni Malawani kada buwan at kanyang inire-remit kay Azasha Macabangkit-Maute alyas Lily, asawa ni Madie Maute.
Bagamat sinasabing tapos na ang threat mula sa Maute ISIS, lalo nang mabawi ang Marawi sa kamay ng mga terorista at pagkamatay ng dalawa sa kinikilalang lider ng grupo, nararapat na mas lalo pang paigtingin ng pamahalaan ang giyera laban sa grupo at mga tulad nila. Bakit? Hindi lang naman kasi ang mga napatay o naaresto ang lider o miyembro ng Maute ISIS o iba pang terorista kung hindi marami pa na maaaring magsagawa ng sariling pagsalakay.
Sa pagiging laging alerto, ‘ika nga ni Eleazar ay nasawata agad ang anomang plano ng mga terorista. Dagdag ng opisyal, hindi lamang sa bansa ang problema sa terorismo kung hindi sa buong mundo. Bagamat siniguro ni Eleazar na nakaalerto ang buong QCPD laban sa anomang pagkilos ng grupo sa lungsod, inilinaw at tiniyak ng heneral na walang ano mang grupo ng terorista na kumikilos sa lungsod. Bukod dito, tiniyak din ng mga kapatid na Muslim leaders na nakabase sa QC na suportado nila ang kampanya ni Eleazar laban sa terorista at kriminalidad.
Sa QCPD, ano po ba ang masasabi ng mamamayan sa inyo, kung hindi salamat sa malaking ambag ninyo sa patuloy na pagdurog sa grupong Maute-ISIS.

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *