NAPAKA-VERSATILE ng mahusay na actress na si Alessandra De Rossi na ‘di lang galing sa pag-arte ang talento kundi maging sa pagsulat ng script, paglikha ng awitin, at pagkanta.
Sa latest movie nitong 12 na hatid ng Viva Films na mapapanood na sa mga sinehan nationwide sa Nov. 8 na idinirehe ni Don Don Santos ay si Alessandra ang nagsulat ng istorya , nag-compose ng theme song, at kumanta.
“First time (ko sumulat). Hindi ako writer, hindi ko ini-expect. Kilala n’yo naman ako. Kapag nabo-bore ako ay kung ano-ano ang ginagawa ko. Gagawa ako ng kanta, gagawa ako ng music video.
“Magsulat kaya ako ng ano, isang mabigat na pelikula,” kuwento ni Alessandra.
“Actually, itong movie na ito sinulat ko before ‘Kita Kita’. Kaya lang, ano muna siya, sa gilid-gilid muna siya. After ‘Kita Kita’, naalala ko.
“Ang totoo niyan, kaya hindi nagagawa ang movie na ito before, nagawa ko ito January last year, is because hindi kami makahanap ng tamang leading man kasi masyadong important ‘yung role ng lalaki.
“Sino kaya ang puwede? Ang ending, nakalimutan na ’yung project. After ‘Kita Kita’ nahalungkat ko uli.
Kabituin ni Alessandra ang Pinoy Hollywood actor na si Ivan Padilla na si Alessandra mismo ang pumili.
ASAWA NI PATRICIA,
MAGALING NA
CHIROPRACTOR
ISA sa maituturing na pinaka-indemand na Chiropractor ay ang guwapo at makisig na husband ni Patricia Javier, si Doc Rob Walcher ng Doc Rob Chiropractic Wellness Clinic na may klinika sa 305 Pos Building, Tomas Morato cor Sct. Madrinan Q.C.
Ang clinic hours niya ay tuwing Tuesday and Thursday, 8:00 a.m.to 6:00 p.m./Sat and Sun 8:00 a.m. to 12noon, contact no. 0905 444 8172.
Mostly ng pumupunta sa clinic ni Doc Rob ay mga taga-showbiz mula sa mga artista hanggang sa mga press people kaya naman marami ang nagsasabi na baka pang celebrities lang ang serbisyo ng doktor.
Pero pinabulaanan ito ni Doc Rob na nagsabi na nagkataon lang na maraming artista ang kumukuha ng kanyang serbisyo. Pero bukas naman ang kanyang clinic sa lahat.
Tsika pa ng mabait na doctor na walang edad ang puwedeng magpa- Chiropractic kahit baby hanggang sa matatanda ay puwede, ‘yun nga lang may limitasyon.
At take note very affordable ang serbisyo ni Doc Rob na kayang-kaya ng kahit ordinaryong tao.
Dagdag pa ni Doc na hindi kailangang may sakit bago magpa-Chiropractic dahil kahit wala kang sakit ay puwede para iwas sakit.
DRS. DRIP, NAGDIWANG
NG IKAAPAT
NA ANIBERSARYO
NAGDIWANG ng kanilang ikaapat na anibersaryo ang Drs. Drip Lounge and Infusion Bar na dinaluhan ng kanilang mga Ambassador na sina Ryza Cenon,Nina Taduran, Congrats, Nicole Hyala, at mga PBA player.
Kasabay nito ang pagpapakilala ng improved version ng popular Cinderella Drip, ang Royale Cinderella Drip na dedicated sa mga client na ang goal ay maka-achieve ng pinkish white glow.
Ayon kay Dr. Manuel Ma, Medical Director/Surgeon, ”We started with simple Glutathione drip theraphy, eto ‘yung kadalasan na uso noon pero ngayon dahil sa progress ng researches natin ay nakakuha tayo ng iba’t ibang formula na idinagdag namin sa roaster ng aming menu ng drip theraphy.
“So ‘yung pinaka-latest namin ‘yung Cinderalla Drip Theraphy, ‘yung Royale Cinderella Drip, ito ay isang standard, pero dahil mayroon kaming upgraded constant researches, para lang maiba sa standard na ito dinagdagan natin siya ng isang formula ng isang substance, ‘yung booster and stabilizer para kakaiba siya at angat ‘yung effect niya sa iba. So for whitening purposes ito, sa mga gustong magpaputi talaga, ‘yung pinkish glow ito ang ibinibigay natin.
“Pero ‘yung main seller pa rin namin si Platinum Ultra White Drip Theraphy na mataas ang metathione content niya.
“So, maliban sa pagpapaputi for good health din ito, dahil ‘yung ating anti-oxidant, ‘yung glutathione naroon pa rin.
“So kailangang-kailangan natin sa katawan ‘to lalo na kung ang lifestyle natin ay ‘di maganda, naninigarilyo, umiinom ng alak, puyat ka, pang detox siya, very good anti-oxidant, ‘yan ang ating drip.
“For example galing ka sa long weeks work pumunta ka rito ie-energize natin ikaw habang natutulog ka nagre-relax ka mayroong energy boost na treatment, mayroon din para sa may mga sakit in fact may mga fertility workout na pumupunta rin dito, ‘yung ‘di makaanak, tapos ‘yung may mga may cancer kailangang-kailangan nila ang gamot to back up their immune system may anti-property ang Glutathione at saka ‘yung ibinibigay natin na high dose ‘yung vitamins C, tapos ‘pag nanghina sila mayroon din tayong V Complex na ibinibigay.
“Pero may iba tayong services like facial skin treatment, ang pinaka- latest namin ‘yung 3D Maxi Lift na without surgery lalo na kapag hindi ka pa candidate, kunwari bata ka pa mag-start na mag-sag ‘yung face mo itong machine na ito para riyan,‘yung mismong pagkatapos ng treatment na ito eh mayroong pagbabago.
“Pero in three months time, progressive pa rin ang makikita sa ‘yo, ninipis ang mukha mo magta-tighten ‘yung skin mo, makikita mo banat ‘yung skin mo, so, ‘pag ginawa natin ito, puwede ka ng hindi mag-under the knife surgery, so ito ‘yung ini-introduced natin ngayon, kaya marami na tayong naging client na happy sila. Kasi lalo na ngayon na October na, tamang-tama na pagpasok ng December hinog na ‘yung procedure na ginawa sa iyo, kasi three months na siya.
“Base sa ibang study after six months ‘yung effects pa rin niya, ibig sabihin nagpo-progress pa ‘yung improvement, pero permanent na iyon hindi mo na kailangang ulit-ulitin.”
Ayon nga kay Doc Manuel, tatlo na ang branches ng Drs. Drip Lounge and Infusion Bar sa Marikina, Mandaluyong, at Timog, Quezon City at nagbabalak pa silang magkaroon ng another branch sa South.
Dagdag pa ni Doc Manuel, very affordable ang presyo ng kanilang services na kayang-kaya ng bawat Juan sa bansa.
MATABIL
ni John Fontanilla