Monday , December 23 2024
sandiganbayan ombudsman

P50-M kinupitan ng P1-K nina Argosino at Robles, inabsuwelto sa plunder

INABSUWELTO ng Office of the Ombudsman sa kasong plunder sina dating Bureau of Immigration (BI) deputy commissioners Michael Robles and Al Argosino na sumabit sa pangingikil ng P50 milyon mula sa dayuhang illegal online gambling operator na si Jack Lam.
Pinababa ng Ombudsman sa “graft” at “direct bribery” ang kaso laban sa dalawang dating BI officials mula sa dapat sana ay plunder na no bail o walang piyansa, sa rekomendasyon ng National Bureau of Investigation (NBI).
Tulad ng BI, ang NBI ay isang attached agency rin ng Department of Justice (DOJ) na nasa ilalim ni Sec. Vitaliano Aguirre II.
Sina Argosino at Robles ay mga alumnus ng San Beda College of Law at brod ni Aguirre sa fraternity.
At sina Argosino at Robles ay rekomendado ni Aguirre kay Pres. Rodrigo “Digong” Duterte kaya naitalaga sila sa BI.
Ibinase ng Ombudsman ang pagpababa ng kaso sa isinauling pera ng dalawa na P49,999,000 (kulang ng P1,000), imbes P50 milyones na nakotong nina Argosino at Robles kay Jack Lam na kanilang inamin sa imbestigasyon ng Senado.
Kaya naman sa tulong ng Ombudsman ay malaya ang dalawang bugok at malamang kaysa hindi na maabsuwelto pa dahil wala na rito sa bansa si Jack Lam na kinotongan nila para tumestigo sa kaso laban sa kanila.
Hindi ba’t kung tutuusin ay mas lalong dapat madiin sina Argosino at Robles dahil doble ang kanilang kaso sa pangungupit ng P1,000 mula sa halaga ng kanilang kinotong na P50-M?
Sa sentido-kumon, nagnakaw na nga ay nangupit pa kaya doble dapat ang asunto ng dalawang damuho.
Aba’y ang ginawa ng Ombudsman sa kaso ng dalawang opisyal ay magsisilbing inspirasyon at magpapalakas ng loob sa iba para mandambong nang mas malaki at magsauli ng mababa kaysa P50-M.
Bakit naman kailangan pang magsauli ng P1,000 kung puwede namang piso lang ang ibawas sa P50-M?
Ibig sabihin, kahit P1 lang ang ibawas sa P50-M ay sa mas mababang kaso ng graft o malversation papatak ang kasong isasampa ng Ombudsman.
Sa susunod, sana ay ‘wag nang mahiya ang mga mandarambong na mangulimbat nang bilyones at magsauli na lang ng halagang P49,999,999 para maabsuwelto sa plunder.
Ito’y maliwanag na malaking katarantadohan sa panig ng Ombudsman dahil sila ang nagpapasiya sa isasampang kaso kahit pa sabihing NBI ang nagrekomenda na mapababa sa simpleng graft at direct bribery.
Sino pang magnanakaw ngayon at mandarambong ang matatakot na lumabag sa Anti-Plunder Law?

SANDIGANBAYAN AT OMBUDSMAN
BUWAGIN NA LANG!

SOBRANG nakaiinsulto sa mamamayan kung paano garapalang pinaglalaruan ng Ombudsman at ng Sandiganbayan ang batas laban sa pandarambong o plunder.
Ang Ombudsman at Sandiganbayan na inaasahang susugpo sa katiwalian ay sila mismo ang bumabaluktot ng batas para hindi mapanagot sa krimen ang mga abusadong magnanakaw at mandarambong sa pamahalaan.
Paniwala ng publiko, ang Ombudsman at Sandiganbayan ay nakikiparte lang sa mga salaping kinulimbat sa pamahalaan.
Katunayan, kahit may nahatulan pa sa kasong plunder ang Sandiganbayan mula sa P50 milyones pataas ang kinurakot, hanggang nga-yon ay wala namang naibalik o naisauli pa sa pamahalaan.
Kadalasan, ‘yung mas mababang kaso ng malversation at graft ang mabilis na nahahatulan sa Sandiganbayan, pero ang mga may kasong plunder ay pinapayagang makapagpiyansa at karaniwan nang absuwelto.
Tulad na lang sa kaso ni dating senador Jinggoy Estrada na paanong pinayagan na makalaya ng Sandiganbayan samantalang no bail o wala namang piyansa ang plunder.
Lumalabas na dagdag na pahirap lang sa mamamayan at pagnanakaw ang Ombudsman at Sandiganbayan.
Kaya’t kung balewala rin lang pala ang plunder law ay ano’ng silbi na may Ombudsman at Sandiganbayan pa tayo?

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *