Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal FGO Fely Guy Ong

‘Alagang’ ubo tanggal sa Krystall herbal oil

Dear Sis Fely Guy Ong,
Una, nagpapasalamat po ako sa Diyos dahil binigyan kayo ng karunungan na magtukoy ng gamot mula sa kalikasan. Ito ang aking karanasan. Nagkaroon po ako ng ubo na ilang taon na, malagkit na laway at plema.
Nang makita ko sa gawain ang Krystall Herbal Oil at Nature Herb, sinubukan ko ito at ako nama’y gumaling. Nagtanong ako noon kung paano gamitin kasi na X-ray ako wala namang problema, clear naman po ang baga.
Pangalawa, ang tatlong apo ko po na nila-lagnat ipina-check-up na sa doctor, ubo nang ubo. Ang ama kulang pa sa paniniwala sa Krystall Herbal kaya dinala sa doctor. Mag-iisang linggo na sa pag-inom ng gamut, nagsusuka na at ang lagnat lagpas na sa 40.
Mayroon pong Krystall Herbal Oil ang kapatid ko, halos kalahati sa isang bote na 30ml ibinuhos ko sa tiyan ng bata dahil naninigas ang kanyang tiyan. Hinaplosan ko nang matagal at lumabas ang pawis na malamig butyl-butil pa sa buong katawan. Kasi pag uminom sila ng gamot na reseta ng doctor, maya-maya ay nagsusuka at tataas ulit ang lagnat.
Ayan kasi, ayaw maniwala. Nang haplosin ng Krystall Herbal Oil at nakita nila ang resulta, ang mga bata ay gumaling, hindi na kailangan pang uminom ng resetang gamot.
Sabi ko, ako na ang nagdesisyon sa anak ninyo, pinapabayaan ko kayo sa mga desisyon ninyo pero lola naman ako. Kasi kapag sinabi ko na haplosin lang ng Krystall Herbal Oil magsasagutan lang kami, Sis Fely.
Pero alam po ninyo, kinabukasan, nautusan ko na po at pinapunta ko po sa main office ng FGO upang bumili ng Krystall Herbal Oil.
Maraming salamt po!!!

Nagpapasalamat,
Sis Billy A. Malaras

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Love Kryzl

Love Kryzl at mga kapatid ipinagdiwang musika, negosyo, at tagumpay

PINAGSAMA ni Love Kryzl at mga kapatid nito ang musika, negosyo, at pagpapahalaga sa pamilya sa isang …

SM Waste-Free Future WFF

Take small steps for big change: SM Waste-Free Future illustrates doable actions for a cleaner, greener planet.

MANILA, Philippines – Becoming part of the solution toward better waste management practices has been …

POLPHIL Ric Serrano Danilo Lim Elmer Argano

Provincial rate ibasura
Pantay na sahod para sa pantay na trabaho isabansa – POLPHIL

IPINAHAYAG ng People’s Progressive Humanist Liberal Party (POLPHIL) ang buo at walang pasubaling suporta sa …

DOST 12 SOCCSKSARGEN iHubs

DOST Strengthens Regional Startup Ecosystem Through the Rollout of iHubs Across SOCCSKSARGEN

AS part of its continuing efforts to strengthen the startup ecosystem across the country, the …

NHMFC BYC

NHMFC advances blockchain initiative to bolster transparency and housing finance securitization

The state-run National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC) is taking a significant step toward strengthening …