Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal FGO Fely Guy Ong

Miracle Krystall Herbal Oil nagpaampat ng pagdurugo at ugong sa tenga pinatigil

Dear Sister Fely Guy Ong,

Good afternoon po. Gusto ko lang ipamahagi ang tungkol sa bisa ng Krystall Herbal Oil. May batang pamangkin po ako na napakalikot. Minsan nahulog siya sa hagdan at tumama sa bakal ang kanyang noo. Nahiwa ito at nagdugo nang marami. Gusto na sana naming dalhin ang bata sa hospital para maipatahi ang sugat niya.

Ang ginawa ko na lamang ay nilagyan ko ng tatlo hanggang apat na konting buhos ng Krystall Herbal Oil sa sugat mismo. Napansin ko na naaampat na agad ang pagdurugo nito. Pagkatapos, ibinabad namin ang cotton sa Krystall Herbal Oil at ‘yung bulak na ‘yun ay ipinatong sa noo ng pamangkin ko.

Naampat nang tuluyan ang pagdurugo ng sugat, at hindi na namin itinakbo sa hospital ang bata. Ilang araw lang ay natuyo na ang sugat at gumaling na siya.

Isa pa pong patotoo: Itong tenga ko po ay umugong minsan. Hindi rin ako makatulog dahil makirot ang pakiramdam sa tenga ko. Nilagyan ko lang ng mga ilang patak ng Krystall Herbal Oil ang aking tenga. Hinayaan ko lang na nakababad ito sa loob ng tenga ko. Kusa na lamang po humusay ang aking pakiramdam, nawala na ang pag-ugong ng tenga ko at nakatulog na ako nang maayos.

Maraming salamat po.

LETICIA DELOSO
503 A. Mabolo St.,
Pembo, Makati City

 

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Paranaque City.

 

NATURE’S HEALING
(Back to Basic)
ni Fely Guy Ong



Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Love Kryzl

Love Kryzl at mga kapatid ipinagdiwang musika, negosyo, at tagumpay

PINAGSAMA ni Love Kryzl at mga kapatid nito ang musika, negosyo, at pagpapahalaga sa pamilya sa isang …

SM Waste-Free Future WFF

Take small steps for big change: SM Waste-Free Future illustrates doable actions for a cleaner, greener planet.

MANILA, Philippines – Becoming part of the solution toward better waste management practices has been …

POLPHIL Ric Serrano Danilo Lim Elmer Argano

Provincial rate ibasura
Pantay na sahod para sa pantay na trabaho isabansa – POLPHIL

IPINAHAYAG ng People’s Progressive Humanist Liberal Party (POLPHIL) ang buo at walang pasubaling suporta sa …

DOST 12 SOCCSKSARGEN iHubs

DOST Strengthens Regional Startup Ecosystem Through the Rollout of iHubs Across SOCCSKSARGEN

AS part of its continuing efforts to strengthen the startup ecosystem across the country, the …

NHMFC BYC

NHMFC advances blockchain initiative to bolster transparency and housing finance securitization

The state-run National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC) is taking a significant step toward strengthening …