Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal FGO Fely Guy Ong

Mga patotoo sa Krystall herbal products

 

DEAR Sis Fely Guy Ong,

Good afternoon Sis Fely Guy Ong.

Ako po si Sis Estelita P. Ladiao i-share ko lang po dito iyong aking karanasan sa paggamit ng Krystall Herbal products. Una po matagal na po akong gumagamit ng Krystall Herbal pro-ducts. Hindi ko lang po matandaan ang petsa.

Noong sa Sucat ako nakatira, nagkasakit ako noon ng sobrang nervous ‘di na ako makatulog kapag nanood ako ng nakakatakot, takot na takot na ako at hindi na makatulog at nanlalamig ang mga palad ko at tila ba naninigas.

Nagsadya ako sa FGO diyan sa Baclaran VM Tower, Baclaran hindi ko kayo na-meet doon Sister Fely Guy Ong. Iyong mga assistant n’yo lang ang andon. Pinayuhan nila ako at ipinagamit nila sa akin ay Krystall Herbal Oil at Krystall Vit. B1B6.

Ihaplos ko raw ang Krystall Herbal oil sa dibdib at likod ko at uminom ng Krystall Vit. B1B6. Sinunod ko iyon Sis Fely at sa awa ng Diyos gumaling ako. Nawala ang nervous at hingal ko kaya hanggang ngayon, iyan pa rin ang gamit ko, lagi ako bumibili ng Krystall Herbal oil at Krystall Vit. B1B6.

Ipapatotoo ko rin po Sis Fely ang apo ko na nagkahika. Hinaplos-haplos ko sa dibdib at likod, sa awa ng Diyos hindi na siya sinusumpong ng hika. At isang beses hinimatay siya kaya hinaplos ko lang sa dibdib ng Krystall Herbal oil.

Salamat sa Diyos nagkamalay siya pero dinala namin sa doctor and sabi ng doctor papunta na sa Leukemia kaya pala siya hinimatay.

Ako naman Sister Fely, lagi din sumasakit ang tiyan ko lalo na ‘pag nalipasan ako ng gutom pero salamat sa Diyos hinahaplos-haplos ko ng Krystall Herbal oil ang tiyan at sikmura pataas at pabilog ang haplos sa sikmura kaya Sis Fely lagi akong may Krystall Herbal oil sa bahay, hindi na po ako nagpapawala.

Nagkabulutong ang anak ko at hindi rin nawala ang peklat kasi narinig ko po sa inyo sa radio na pahiran ng Krystall Herbal oil bawat sugat ng bolutong.

Salamat sa inyo sister Fely dahil nagkaroon ng isang tulad mo na herbalist at nasa puso para makatulong sa may karamdaman at binig-yan niya kayo ng karunungan na madiskubre itong Krystall Herbal product.

Iyong labandera namin, ang 2-year old ni-yang anak, tamang-tama noong isinama niya ang kanyang anak sa bahay nong siya’y inalisan ng anak niya. Nakita ko ang laki ng pigsa, namumula at nagdurugo na at kasama ang nana, mabuti may maliit akong Krystall Herbal oil ibinigay ko sa kanya. Sinabihan ko na ihaplos-haplos niya, salamat at gumaling din.

Humanga ang tagalaba naming, sabi niya ang galing daw ng Krystall oil kasi ipina-doctor na raw niya iyon pero hindi pa rin gumaling at sa Krystall Herbal oil lang gumaling, pati relatives ko sa probinsiya sa Samat at Cebu nai-share ko rin sa kanila, gumagamit na rin sila at pinapadalhan ko.

Isa pa sister Fely iyong pamangkin ko rin na aksidente iyong mga mata niya hindi maidilat, hinaplos ng Krystall Herbal oil. Nakadilat na.

Muli Sister Fely nagpapasalamat ako, una kay God at sa inyo. God Bless.

 

Nagpapasalamat

Sis Estelita P. Ladiao

 

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Paranaque City.

 

NATURE’S HEALING (Back to Basic) – Fely Guy Ong

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs

Bukod sa wastong pagkain
KRYSTALL HERBAL OIL AT KRYSTALL NATURE HERBS NAKATUTULONG SA BALANSENG INIT AT LAMIG SA KATAWAN

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,         Magandang araw …

Krystall Herbal Oil 500ml FGO

YES!
FGO Krystall Herbal Oil 500 ml promo extended hanggang Chinese New Year

MAGANDANG ARAW po sa mga suki at solid users ng Krystall Herbal Oil. Gaya ng …