Sunday , March 16 2025

Sindak sa martial law

HANGGANG ngayon ay marami ang nagkikimkim ng sindak sa puso kaugnay ng martial law na idineklara ni President Duterte sa buong Mindanao.

Bagaman ilang dekada na ang nakalilipas ay hindi pa rin nila nalilimot ang kalupitan at pang-aabuso na nalasap sa kamay ng mga sundalo habang umiiral ang batas militar na idineklara noon ng yumaong dating President Ferdinand Marcos.

Sa panahon ng martial law noong 1972 ay puwedeng arestohin ang sino man at pasukin ang alin mang bahay kahit na walang warrant.

Pero hindi lang iilan ang mga militar na umabuso sa kanilang kapangyarihan at ginawa ang anumang gustuhin. Walang habas kung pumaslang sila ng mga tao na pinalalabas na kalaban ng estado, kahit na personal nilang kaaway. May mga babaing walang awang pinagsamantalahan. Ang karapatang pantao ay tuluyang nabalewala.

Lalong pinangangambahan ng mga mamamayan ngayon ang pahayag ni Duterte na maaaring palawakin ang martial law at isailalim dito ang buong bansa.

Ayon kay dating President Fidel Ramos, kahit wala pang martial law ay katakot-takot na ang paglabag sa human rights. Nangangamba siya na baka lumala pa ang sitwasyon kung lalawak ang sakop nito. Dapat umanong umaksiyon ang gobyerno nang hindi inaabuso ang karapatang pantao at malimitahan ang karahasan.

Baka madiskaril din umano ang ekonomiya at mapinsala ang mga programa ng Pangulo kapag hindi natuloy ang pautang na magmumula sa Russia, pangakong suporta ng mayayaman sa proyekto ng pamahalaan at marami pang iba bunga ng batas militar.

Dapat daw magtulung-tulong ang mga pinuno ng bansa upang malimitan ang martial law hanggang Lanao del Sur lamang, at huwag itong paabutin nang 60 araw.

Alalahaning hindi kinilala ng militar ang pangangailangan na ideklara ang martial law para labanan ang terorismo. Kaunting panahon lang ang hinihingi nilang karagdagan para matuldukan ang problema na dulot ng Maute group sa Lanao del Sur.

Kailangan nga bang ideklara ang batas militar sa Mindanao kung saan inatasan nang kumalat ang mga tropa ng sundalo simula nang maupo sa puwesto ang Pangulo? Buong puwersa sila kung sumalakay sa pinaghihinalaang kuta ng rebelde kahit malayo ito. May pumuna nga na matagal nang martial law sa lugar.

Ayon sa iba, noong una ay ipinaramdam ng gobyerno ang giyera sa ilegal na droga na libo-lbo ang nasawi. Ngayon ay kamay na bakal naman ang ipinaramdam ng pamahalaan laban sa terorismo.

Nangangamba sila na posibleng kasunod nito ang pagdedeklara ng martial law sa buong Filipinas na papatay sa kalayaan ng mga mamamayan.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE – Robert B. Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Si Bong Go ang lulusot na kandidato ni Digong?

SIPATni Mat Vicencio MALIBAN kay Senator Bong Go, ang walong natitirang senatorial candidates ni dating …

Firing Line Robert Roque

Problema sa disenyo o kinulimbat na pondo?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ILANG araw makalipas ang hindi kapani-paniwalang insidente — ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Molotov attacked sa kotse ng photojourn, QCPD nakapuntos na

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI pa man napapasakamay ng Quezon City Police District (QCPD) ang …

Dragon Lady Amor Virata

Dyowa nga ba ng jail warden, kasabwat sa mga katiwalian sa loob ng kulungan?

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO ang isang JOI FLOR na pinagtsitsismisang dyowa ni …

Sipat Mat Vicencio

Sino kina Pia, Abby, Camille at Imee ang masisibak sa eleksiyon?

SIPATni Mat Vicencio HINDI nakatitiyak ng panalo ang apat na babaeng senatorial candidates ng administrasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *