Wednesday , May 29 2024
PANGIL ni Tracy Cabrera

Kongreso ng mga Siga

Help others and give something back. I guarantee you will discover that while public service improves the lives and the world around you, its greatest reward is the enrichment and new meaning it will bring your own life.

— Arnold Schwarzenegger

PASAKALYE:

Nagdiwang po ng kanyang kaarawan ang mahal kong anak noong Biyernes nitong nakaraang linggo (Mayo 26) at una po rito (Mayo 23) ay kaarawan naman po ng kaibigan ng inyong lingkod na si PAT SANTOS ng Philippine Daily Tribune na ipinagdiwang sa Plaridel Hall ng National Press Club sa Intramuros, Maynila noong Sabado, Mayo 27.

Hindi po rito nagtapos ang mga pagdiriwang na ating nasaksihan dahil itong nakaraang Lunes (Mayo 29) ay kaarawan naman po ng aking mahal na maybahay na si HEIDI NICODEMUS, na aming idinaos muna sa Tapatan sa Aristocrat bago tumuloy ng Mitre sa CBCP para pananghalian at nagwakas sa isang sikat na bar sa Ermita, Maynila.

Nais ko lang batiing muli ang mga celebrant ng Happy Birthday muli at isa pong karangalan na maging saksi sa mga pagdiriwang na ito. Para sa anak kong si KARIN CEARA CABRERA-SAKAI, I pray for good health always. Para kay PAT, nawa’y makatanggap ka ng regalong produktong pampaputi. And finally, para kay HEIDI… dasal ko lang na maging positibo sana ang pananaw mo sa buhay at huwag nang pairalin ang kamalasang naranasan sa nakaraan.

Salamat po…

NAPADALAW po tayo sa Batasan nitong Martes ng umaga para sumilip sa pagdinig na isinasagawa ng dalawang komite sa usapin ng sinasabing maanomalyang kasunduan sa pagitan ng Tagum Agricultural Development Company (TADECO) at Bureau of Correctional (BuCor).

Ang nakakatuwa po rito’y makitang hindi na pala Kongreso ng mga magiging na mambabatas ang mayroon tayo — kundi Kongreso ng mga Siga — dahil kung hindi ka magsisiga-sigaan ay tiyak na lalamunin ka ng mga kongresistang matatapang at mahilig mam-bully.

Mukhang nakalimutan na yata ng ating mga sikat na lawmaker at representante sa Kamara—tulad ni House Speaker PANTALEON ALVAREZ—na sila’y mga halal ng bayan kaya ang dapat nilang isulong ay interes ng samba-yanan at hindi yaong pansariling kapakanan.

Iyon lamang po…

Maging bayani tayo ng bayan

NARITO po ang mga comments ng ating mga opisyales sa gobyerno hinggil sa isyu ng West Philippine Sea sa pagbabanta ng China na didigmain tayo kapag tayo ay magpumilit na linangin ang karagatan ng West Philippine Sea: DFA Secretary, ALAN PETER CAYE-TANO – Wala siyang narinig na tinakot ng China ang Filipinas;  Sen FRANCIS PANGILINAN – Hinihikayat niya na mag-file ng diplomatic protest laban sa China kung tunay na tinatakot ang bansa natin ng giyera;  Sen. ANTONIO TRILLANES at Sen. RICHARD GORDON – Dalhin ang isyung ito sa UN General Assembly;  Sen PANFILO LACSON – Sumasang-ayon siya kay CARPIO na dalhin sa UN General Assembly ang isyu at gumawa ng resolution na kinokondena ang banta ng China;  Sen. FRANKLIN DRILON – Seryosohin ang banta ng China. Kailangang itayo natin ang ating karangalan. Huwag nating hayaang takutin at pagbantaan ang ating bansa; Mr. ERNESTO ABELLA, Presidential Spokesperson – Ginagarantiya niya ang publiko na una at huling priority ni Pangulong DUTERTE ang national interest at kapakanan ng sambayanang Filipino.

Sa mga nabanggit kong mga sinabi nila lumalabas na tila kabado na ang lahat sa salita pa lang ng China. Wala pang aksiyong nagaganap. Kung talagang ganito na ang pagkasabi ng China dapat ang buong samba-yanang Filipino ay maghanda na sa ating kakaharapin. Kaya hinihikayat ko ang NPA, ASG. Maute Group, BIFF, MNLF, MILF at riding in tandem na magkaisa na sila at ilaan nila ang kanilang lakas at kakayahan laban sa China. Hindi iyong tayo-tayo ang magpapatayan. Malay ninyo pagkakataon na ninyong maging bayani ng ating bayan. — Ronnie A. Pascual ng Caloocan City ([email protected], Mayo 23, 2017)

PANGIL – Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Katotohanan sa likod ng kuwento ni Guo

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. INAAKALA marahil ni Mayor Alice Guo na nagbibigay siya …

Dragon Lady Amor Virata

Hindi lahat ng huwes ay matino

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SA HALIP na magkaloob ng hustisya at protektahan ang …

Sipat Mat Vicencio

Tigas ng mukha ni Senator Bato

SIPATni Mat Vicencio “TO Bato dela Rosa, who stuck it out with me to the …

00 Onins Thought Niño Aclan Logo

Cyberlibel vs Tony Leachon ‘resulta’ ng iresponsableng  pahayag sa social media

ONIN’s THOUGHTSni Niño Aclan MAHIRAP talagang masanay na isang social media icon lalo na kung …

YANIG ni Bong Ramos

Former PDEA agent Jonathan Morales, walang masustansiyang sinabi sa Senate hearing, nuknukan ng sinungaling

YANIGni Bong Ramos WALANG NAPALA, walang nahita at walang nakuhang konkreto ang Senado sa mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *