Monday , December 23 2024

Ang Bud Dajo Masacre 1906

NOONG 7 Marso 1906, nasa 1000 Filipinong Muslim o Moro ang pinaslang ng mga sundalong Amerikano sa pamumuno ni Mayor-Heneral Leonard Wood. Ang mga Moro ay naninirahan sa Bud Dajo, isang volcanic crater sa Isla ng Jolo sa Katimugang Pilipinas, bilang mga refugee.

Ang Unang Digmaan ng Bud Dajo, na tinatawag ding Ang Massacre sa Bud Dajo, ay isang pag-atakeng isinigawa ng hukbo ng US laban sa mga Moro noong Marso 1906 sa kasagsagan ng Rebelyong Moro sa ilalim ng giyera ng Filipinas at Amerika. Pagkatapos bawiin ng US ang Kasunduan sa Bates, lalong tumutol ang mga Moro sa mga awtoridad na Amerikano sa pamamagitan ng manaka-nakang karahasan at hindi pagbabayad ng buwis.

Hindi nagtatagumpay ang gobernador ng probinsiya ng Moro na si Mayor-Heneral Leonard Wood sa pagpapakalma sa mga rebelde sa Isla ng Jolo. Naging mas madalas ang pag-atake ng mga Moro, at kinalaunan ay naniwala sila na hindi sila kayang puksain ng mga Amerikano.

Bilang tugon sa usap-usapang pagpuksa sa kanila ng mga Amerikano, tumungo sa Bud Dajo ang ilang daang Moro, pati mga babae at mga bata, upang humingi ng tulong sa mga espiritong namamalagi sa lugar na handang pagpalain ang mga mandirigma sa panahon ng pangangailangan.

Nang hindi sumuko ang mga rebelde sa kabila ng negosasyon sa gitna ng ilang mabuting datu at mga agresibong Moro, nagpasimula ng kampanya si Wood para matapos ang labanan sa Bud Dajo noong 5 Marso 1906. Nagpadala siya ng mga sundalong Amerikano at mga sundalo mula sa Philippine Constabulary o Hukbong Pamayapa ng Pilipinas sa ilalim ni Koronel Joseph W. Duncan upang puksain ang mga rebelde.

Samantala, hindi pa rin nagtagumpay ang tangkang makipagkasundo noong 6 Marso. Nang sugurin nila ang Bud Dajo, kumaripas ang mga rebelde papunta sa kagubatan, at pataas ng libis. Noong gabi ng 6 Marso, sa pagitan ng bundok nagpalipas ng oras ang mga tauhan ni Duncan.

Sa kalagitnaan ng gabi, maririnig ang mga tambol at pag-awit ng mga Moro, habang ilan sa kanila ay pana-panahong magpapaputok sa grupo.

Noong sumunod na araw, tumuloy sa pag-akyat sa rurok ng bundok ang mga Amerikano habang pumapalyang nagpapaputok sa mga rebelde.

Noong 7 Marso, nagkunwaring patay ang ilang Moro at nagtangkang tambangan ang tropa ni Duncan nang malapit na sa tuktok ng bundok. Pagkatapos ay sinir       a ng hukbong Amerikano ang mga kuta ng Moro.

Tuluyang napasakanila ang Bud Dajo noong 8 Marso. Nang maseguro ang seguridad sa paligid ng lugar, naglaan ng mga artillery at machine gun ang tropa para sa depensa.

Ayon sa ulat ni Wood, napatay ang mga rebelde sa Bud Dajo.

Labing-walong Amerikano ang namatay at 52 ang sugatan sa digmaan. Sa tantiya ni Wood, 600 ang napatay na kalaban, kasama ang ilang babae at bata, habang nasa 900 ang tantiya ng iba. Patong-patong ang mga bangkay, at marami sa kanila ay tadtad ng sugat. Pito lamang ang nahuli — tatlong babae at apat na bata.

Ang 18 lalaki ay nakatakas sa kabundukan, at posibleng doble ang bilang nito. Sinensor ni Wood ang mga telegrama mula sa Jolo na inilalarawan ang mga kaswalidad. Bagama’t pinuri ng mga Amerikanong awtoridad si Wood at itinuturing nila ang Digmaan ng Bud Dajo bilang isang makabuluhang tagumpay at itinuturing itong massacre ng ilang miyembro ng media sa US, dahil sa pagdawit sa mga Moro na hindi naman nakikipaglaban.

Tradisyon ng mga mandirigmang Moro na dalhin ang kanilang mga asawa at anak saan man sila mapadpad, ngunit sabi ng ilang miyembro ng media,  dapat sa bundok na lang umatake si Wood.

Sa kabila ng batikos, binati siya ng kanyang mga kaibigang sina Pangulong Theodore Roosevelt at Secretary of War William Howard Taft.

Bilang tugon sa kritisismo, ipinaliwanag ni Wood na karamihan sa mga babaeng namatay ay nagbihis-lalaki at nakipaglaban, samantala ginamit naman ng mga lalaki ang mga bata bilang panangga.

Ipinaliwanag ng Gobernador-Heneral ng Filipinas na si Henry Clay Ide, “collateral damage” ang mga bata at babae, na namatay sa malawakang pagpapasabog ng hukbo sa lugar. Dahil sa nagkakaibang pahayag ng dalawang panig, lalong binatikos si Wood.

Humupa ang kontrobersiya sa paniniwala ng mga lokal na datu at sultan ng Sulu na makapagbibigay sa kanila ng kapayapaan angnangyari sa Bud Daju. Sa kasamaang palad, patuloy ang pagtutol ng mga Moro. Dahil dito, naganap ang Kampanya ng Bud Dajo noong 1911, at Digmaan ng Bud ay bumagsak noong Hunyo 1913.

Halaw ni Joana Cruz

About hataw tabloid

Check Also

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *