Tuesday , July 5 2022

Anne, ‘di pa kayang ipagpalit ang career sa pag-aasawa

00 fact sheet reggeeSOBRANG saya ni Anne Curtis nang nakatsikahan namin sa first shooting day ng pelikulang Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend na idinidirehe ni Jun Lanaproduce naman ng Viva Films at Idea First Company na ginanap sa St. Vincent Seminary Church sa Tandang Sora, Quezon City noong Huwebes ng gabi.

Ang kuwento ng pelikula ay tungkol sa babaeng mahilig ma-in-love sa closet gay at dahil matagal na sila ng boyfriend niyang si Erwan Heussaff ay tinanong namin kung kailan sila pakakasal.

“Siguro 3 years,” sabay tawa sa amin.

Sabi pa, ”we’ll see, kasi when you get married, everything changes in your career, but it will come, pero hindi naman three years, pero more or less, we both have an understanding.”

Pressured ba si Anne dahil lahat ng kaibigan niya ay ikakasal at ikinasal na bukod pa na halos lahat ng tao ay tinatanong sila kung ‘kailan.’

“Natatawa kami, kasi kapag nag-post kami (pictures), may nagsabi, ‘relationship goal, sana kayo na next.’

“Nakatutuwa kasi there’s so many people looking forward to it, but not now,” diin ni Anne.

Siniguro naman ni Anne na si Erwan na ang makakatuluyan niya, ”hindi naman kami magtatagal ng ganito kung hindi, officially, we’re six years na, un-official kasi ‘yung dating din kasama na. First time ko kasing mag-long term, pinakamatagal ko rati, three years. Kaya ang saya (with Erwan).”

Hindi raw ganoon kadaling i-give up ang career, ”kasi the Philippine (showbiz) industry is not necessary like Hollywood na even you’re a mom, you can still be a leading lady and hot, ‘di ba? Parang Angelina Jolie.

“Nag-iiba, I don’t know, but maybe people would break their borders with that. For me, if it happens, it happens.

“Siyempre ayoko namang magsabi ng hindi tapos biglang in a month, ‘di ba? Ang dami-dami ko pang ginagawa, hindi pa ako ready, but it will happen.

“Were both very much career oriented, basta,” sabi pa ng dalaga.

Sa tanong namin kung pinaghahandaan na nila ‘yung future nila ni Erwan tulad kung saan ikakasal, saan sila titira o nagpapagawa na ng bahay, sabi ni Anne, ”Ay wala pang ganoon, basta hindi ko pa alam, hindi ko pa masasabi,”  natawang sabi ni Anne.

MORE TRAVEL, TELESERYE AT SHOW

Sa kabilang banda, sinabi pa ni Anne na sa tingin niya ang tamang edad ng pag-aasawa ay, ”I think 34, ‘yun ang tamang age, and I’m 31.

“Chill lang muna kami (Erwan) kasi we both travelling and that changes kasi if you have already a baby. Travel pa muna, marami pa kaming hindi nararating like Iceland, South Africa . I don’t waste my time if I don’t see myself going there, ‘di ba?

“At saka kapipirma ko pa lang sa ABS (CBN) ng contract, kaya out of respect naman (tinanggal na ang clause) ‘di ba.

“When I renewed my contract, there’s this teleserye and ‘Showtime; is always in there.

“Not this year ang teleserye, ang nangyayari kasi nawawala ako sa ‘Showtime’ kapag may teleserye ako, ‘di ba noong nag-‘Dyesebel’ ako, nawala ako sa ‘Showtime’, so mas priority ko ‘yung ‘Showtime’ pa rin.

At saka ang saya ng noontime show.”

At sa tanong namin kung ilang anak ang gusto nina Erwan at Anne, ”just two lang. And I think, ‘pag ikinasal ka na, mag-baby na kaagad, you don’t need pa honeymoon or whatever kasi na-enjoy mo na together travelling.”

HALIK NA MAY UNGOL, IKINALOKA NI ANNE

At dahil first time palang makakatrabaho ni Anne ang parehong GMA artists na sinaDennis Trillo at Paolo Ballesteros sa Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend kaya ang saya ng aktres dahil nga magkaibang TV network sila.

“Nakatutuwa, happy ako to work with them,” saad ng aktres.

Dagdag pa, ”it’s a breath of fresh air to work with other leading man, naaliw ako, ang ganda ng script, it’s a rainbow film na first time kong ginawa kasi more on drama ako.

At tawa ng tawa si Anne sa kissing scene nila ni Dennis, ”kasi may ungol pa, basta watch n’yo na lang nakakatawa talaga.”

Out of curiosity ay tinanong namin ang line-producer ng pelikula na si Perci M. Intalan kung bakit tawang-tawa si Anne sa sinasabi nitong kissing scene nila ni Dennis.

“Ahh, baka kasi ‘yung sa wedding rehearsal, hindi nakasipot ang fiancée ni Dennis played by Yam

Concepcion, kaya si Anne muna ang proxy. Tapos mayroong scene na dapat i-kiss ‘yung bride to be, so hayun, nag-kiss sina Dennis at Anne, tapos si Anne dahil gusto niya si Dennis, feel na feel niya ‘yung kiss nila at ungol siya ng ungol tapos pagdilat niya ng mata niya, sa kanya nakatingin lahat,” kuwento ni Mr. Perci sa amin.

Oo nga nakatatawa talaga at sa Oktubre pa ipalalabas ang Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend handog ng Viva Films at Idea First Company directed by Lana.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

AJ Raval

AJ ‘di buntis, flat tummy ipinagmalaki

MA at PAni Rommel Placente IBINANDERA ng sexy star na si AJ Raval sa kanyang Instagram account ang picture …

Arjo Atayde

Arjo 6 batas inihain agad pagka-upo sa Kongreso

MA at PAni Rommel Placente SA pagsisimula ng kanyang trabaho bilang Congressman ng 1st District …

Cristy Fermin Toni Gonzaga

Cristy ipinagtanggol si Toni Lupang Hinirang maayos na nakanta

MATABILni John Fontanilla DINEPENSAHAN  ni Cristy Fermin si Toni Gonzaga sa mga taong nanlalait kaugnay sa pag-awit nito ng Lupang …

Jake Zyrus Charice Pempenco

Jake Zyrus deadma sa ina sa kanyang Transman Journey

MATABILni John Fontanilla PALAISIPAN sa mga netizen ang hindi pagkakabanggit ni Jake Zyrus sa kanyang ina sa …

Geneva Cruz

Geneva sa tumawag ng trying hard— It’s a reflection of how bad you feel about yourself

MA at PAni Rommel Placente PINATULAN ni Geneva Cruz ang isang netizen na tumawag sa kanya ng …

Leave a Reply