Nanawagan ang advocacy group na Kilusan Kontra Katiwalian at Kabulukan (4K) sa administrasyong ni Pangulong Rodrigo Duterte na durugin na ang kartel na Cement Manufacturers of the Philippines (CeMAP) sa ilalim ni dating Department of Trade and Industry undersecretary Ernesto Ordonez na nakikinabang sa kanyang kampanya laban sa mga importer ng semento kung saan kontrolado ng grupo ang presyo ng kanilang mga produkto.
“The DTI asked local cement producers to explain the recent surge in retail prices of cement in the country and CeMAP can explain why there are shortages of their product in some key areas,” giit ni 4K secretary general Rodel Pineda. “With the artificial shortage of cement, the government can’t control the retail prices of cement and CeMAP is the first beneficiary in this situation.”
Kinuwestiyon din ni Pineda ang pagsasanib ng malalaking kompanya na Holcim Philippines Inc. at Lafarge Republic Inc. na kumokontrol sa halos 75 porsiyento sa industriya ng semento na isang malaking paglabag sa Anti-Trust Law.
“How come the Philippine Competition Commission (PCC) let this merger? Our local cement industry is now controlled by foreigners under CeMAP and they are making a killing in cement prices because they dictate the retail prices,” paliwanag ni Pineda. “Ordonez is the president of CeMAP and he is also an official of PCC and there is a clear conflict of interest in the merger of Holcim and Lafarge. This must be investigated by the government and CeMAP must be scrapped to stop the monopoly in cement industry.”
Nauna rito, nangako si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez na gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya upang marekober ang nawalang mabubuting bagay na nilalayon ni Duterte na mapasigla ang pagpapapanatili ng kabutihan para sa nakararami, paglingap at pagkalinga para sa mga kapos-palad at pag-ayuda sa mahihirap na mamamayang Filipino na biktima ng mapang-aping ekonomiya na kinokontrol ng mga abusado at iresponsableng industriya ng pagmimina.
“Ito ang paninindigan ko, and this is what I really believe…we cannot and we must not build an economy based on suffering. We canHot do it,” sabi ni Lopez habang ipinapaliwanag na maaari ngang nagkakamal ng salapi ang mga mamumuhunan sa pagmimina ngunit nakabase naman ito sa paghihirap ng taumbayan. “At the end of the day, who is benefitting from this? Not the poor, so why do we keep doing it?”
Kilalang matibay na anti-mining advocate bago napili ni Duterte para pamunuan ang DENR, ipinadama ni Lopez ang kanyang intensiyon na panatilihing matamasa ng bawa’t isa ang mayamang natural na kalikasan ng bansa.
“I would like to keep our biodiversity and not let it be raped by any selfish interest because it belongs to the Filipino people,” sabi ng DENR Secretary.
Kabilang sa mga sektor na nagdudulot nang malubhang panganib sa kalikasan ang cement manufacturing industry. Nagdudulot nang mabigat na suliranin ang pagmimina ng apog o limestone sa kalikasan kung kaya dapat panatilihin ng pamahalaan ang pagbabantay at pagkokontrol sa proseso ng operasyon upang matugunan ang mga requirement na itinakda ng mga ahensiyang kagaya ng Environmental Management Bureau (EMB) at Mines and Geosciences Bureau (MGB).
Ayon sa US Environmental Protection Agency (EPA), ang cement sector ang pangatlo sa pinakamalaking industriyang pinagmumulan ng polusyon sa buong mundo, nagpapakawala ito ng mahigit pa sa 500,000 tonelada kada taon ng sulfur dioxide, nitrogen oxide at carbon monoxide na may isang malaking panganib sa kalusugan at kalikasan kagaya ng ground-level ozone, acid rain, global warming, water quality deterioration at paglabo ng paningin at sakit sa baga na nakaaapekto sa populasyon.