Sunday , April 20 2025

Doble Kara, laging wagi sa ratings game kaya extended na naman

00 fact sheet reggeeHINDI kasi namin napapanood kaya wala kaming maikuwento tungkol sa panghapong seryeng Doble Kara nina Julia Montes at Sam Milby kaya nagugulat kami na marami palang nanonood nito.

Ibig sabihin Ateng Maricris, kami lang ang hindi nakatutok kasi oras ng deadlines? (Sa IWant TV ko rin siya pinanonood. Hindi ko pinalalampas ang isang araw na hindi ko siya napapanood kasi nga exciting na ang mga nangyayari.—ED)

Anyway, consistent winner pala ito sa ratings game maski anong itapat na programa ng GMA 7 kaya naman pala ilang beses ng na-extend ang serye ni Julia at balita nga namin ay extended ulit ito, tama ba Ateng Maricris?

Winner ang Doble Kara noong Martes sa datos ng Kantar Media na 16.8% kompara sa Sinungaling Mong Puso na 9% lang.

Anyway, base sa aming patnugot na si Ateng Maricris ay maganda na ang episode ngayon ng Doble Kara dahil nagkapatawaran na ang kambal na sina Kara at Sara at si Alex na ginagampanan ni Maxene Magalona na kalabang matindi ng magkapatid.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Kazel Kinouchi

Kazel Kinouchi hindi makawala sa kontrabida role

RATED Rni Rommel Gonzales PAGKATAPOS ng highly successful na Abot Kamay Na Pangarap ay may bago na …

Pilita Corrales Jackie Lou Blanco Ramon Christopher

Pilita walang malubhang sakit: She died in her sleep

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “SHE died in her sleep, hindi siya nahirapan.” Ito ang tinuran ni Jackie …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Rhian Ramos

Rhian bumisita sa 7 simbahan sa Maynila

MATABILni John Fontanilla NGAYONG Holy Week ay inihatid ng programang Where In Manila, hosted by Rhian Ramos ang …

Arron Villaflor

Arron Villaflor hangad maging boses ng mga kabataan ng Tarlac

MATABILni John Fontanilla TULOY-TULOY na ang pagpasok sa politika ni Arron Villaflor, na tumatakbo bilanh Board …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *