Monday , November 18 2024

No. 1 Typhoon Guru in all Southeast Asia next GM of MIAA

BIGLA na naman daw sumigla at nagsipag-yehey ang mga empleyado sa Manila International Airport Authority (MIAA) nang marinig nila kahapon sa isang very reliable source na isang mahusay na airline official at kinikilala sa buong Southeast Asia bilang No. 1 typhoon Guru.

Yes, MIAA GM Bodet Honrado, habang nasa loob ka raw ng iyong napakalamig na opisina ay nagsipaglundagan na sa tuwa ang mga empleyado at opisyal nang malaman na ang inirerespeto sa aviation industry na si Mr. Ed Monreal ang susunod na MIAA general manager.

Aba ‘e naririnig natin sa mga beteranong taga-airport na wala silang kuwestiyon kung si Ed Monreal nga na ngayon ay 60 anyos na ang maging Airport GM.

Kung hindi tayo nagkakamali, si Mr. Monreal ay dating Cathay Pacific Airline station manager sa NAIA.

Nang  magretiro siya noong nakaraang taon, siya ay naging MIAA consultant for Airline Matters.

Maraming matutuwa kung si Mr. Monreal na nga talaga dahil siya ay mula mismo sa aviation industry.

Taon 1978 nang unang magtrabaho si Monreal sa airport at pumaloob sa Cathay Pacific (CX) noong Setyembre 10, 1982 nang rekrutin ng dating direktor na si Nick Rhodes.

Naging bahagi rin siya ng cargo team sa Maynila bago inilipat sa Cebu at doon ay 10 taon namalagi para magbukas ng bagong operasyon ng Cathay Pacific

Matapos ang 10 taon, siya ay itinalagang station manager sa Maynila hanggang malipat sila sa NAIA terminal 3.

Aba, hindi biro ang iginuhit at iminarkang reputasyon ni Mr. Monreal sa aviation industry.

Siya ay tinaguriang “great source of knowledge” at malaki ang suportang ibinigay sa Country Managers. Kilala rin siya bilang tapat at masipag na kasama sa trabaho at sa mahabang panahon ay pinaniniwalaang siya lamang ay may reputasyon na No. 1 typhoon guru sa buong Southeast Asia.

Kung siya na talaga, aba maraming matutuwa sa mga taga-airport.

Anyway, ayaw naman daw i-preempt ni incoming DOTC Secreatry Arthur Tugade ang kagustuhan ng presidente.

Totoong rekomendado niya si Mr. Monreal pero irerespeto naman daw niya ang kagustuhan ni Incoming President Rodrigo ‘Digong’ Duterte kung mayroon siyang ibang napupusuan.

Pero sa nakikita natin kay Presidente Digong, malaki ang tiwala niya sa mga taong itinalaga niya dahil subok na niya.

Ngayon pa lang, binabati na natin si Mr. Monreal…

Welcome to MIAA GM’s office, Sir!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *