Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sino sina alias Jude at Joel PCCI na salot sa BOC?

00 parehas jimmyGRABE na ang pinaggagawa ng isang alias JUDE na nagpapanggap na bata raw ni BoC Depcomm. Uvero dahil tuloy-tuloy pa rin ang pag-hingi ng tara sa mga broker at importer.

Ang lakas tumara nitong alias Jude na per container van daw siya at may weekly payola pa raw.

Kawawa naman si Depcom Agaton Uvero na alam natin na napakabait at walang kaalam-alam sa pinaggagagawa ni alias Jude.

Depcomm. Uvero, ipahuli mo ang taong ‘yan na sumisira sa pangalan mo!

***

Ito naman isang alias Joel PCCI, sobra rin ang pagkatarantado at garapal.

Laging tanghali kung dumating para mag-release ng clearance. Ang laki pa ng tara sa mga broker.

Grabe ang ginagawa nila sa mga negosyante na parang sila na lang ang nabubuhay sa mundong ito.

Ikaw Joel clearance ng PCCI, magbago ka na at baka pulutin ka sa kangkungan!

***

Happy wedding pala sa pamangkin ko na guwapo na si Reynante Salgado na photojournalist sa BoC. Sana’y dumami ang taon ng pagmamahalan ninyo ni Sheila.

Magmahalan kayo nang tapat at laging magdasal and make Jesus the center of your life.

Mabuhay ang bagong kasal!

Binabati rin kayo ni Mariel Domagas na sana’y maging maligaya kayo lagi at hindi nag-aaway.

All the best sa inyo!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jimmy Salgado

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …