BOC Depcomm Ariel Nepomoceno
Jimmy Salgado
January 27, 2016
Opinion
LAHAT tayo ay kinamumuhian ang illegal na droga.
Kaya naman nagpapasalamat tayo sa ginagawang anti-smuggling operations ng Customs Enforcement Group sa pamumuno ni Depcom Ariel Nepomuceno lalo na sa droga.
Ayon kay Depcom Nepo, walang palulusutin na droga at smuggling sa kanyang termino.
Masagasaan na ang masagasaan!
Kakaiba ang estilo ng kanyang pamumuno na may halong pagmamalasakit sa bayan at sa tiwala na ibinigay sa kanya ni PNoy at ni Sec. Purisima. Tunay na trabaho lamang sya at ayaw niya ng intrigahan.
Kaya ang lagi niyang paalala sa kanyang tauhan ay pag-igihan ang trabaho sa Bureau of Customs, ‘yan ang ‘trademark ni Depcom Ariel.
Siya lang ang nakita ng rank and file employees sa BoC na kailanman ay hindi nagpahirap sa mga negosyante. Kapag may lumapit sa kanya na may problema sa mga kargamento ay kanyang sinasabihan na tulungan at walang kapalit na pera.
‘Siya lang ang opisyal na nakita natin na ‘di man lang nanghingi ng tara para sa kanyang opisina.
Hindi mapagsamantalang opisyal at hindi mahilig sa media mileage.
By the way, binabati ko pala si Depcomm Nepo sa kanyang silver wedding anniversary. Personal kong nakita ang magandang pagmamahalan nila ng kanyang asawa’t anak.
You’re the best Depcomm Nepo!
Mabuhay ka at ang iyong pamilya!
***
Sa susunod na isyu tatalakayin natin ang isang alias DEBERA sa OCOM at mga nabalitaan nating alingasngas nina Alma at Titus at iba pa.
Dapat itong malaman ni Comm. Bert Lina para matigil na ang pagkukunwari nila.