Meat products sa MICP fit for human consumption pa ba?
Ricky "Tisoy" Carvajal
January 6, 2016
Opinion
FIT OR UNFIT. Ano nga ba ang tunay na dahilan sa isyu sa MEAT PRODUCTS sa Bureau of Customs-MICP?
Ito ba ay abandoned by the consignee? Ayon kasi sa balita, mayroon 200 or more containers na inabandona na?
And 60 out of the 200 reefer vans was released already, na dapat umano ay forfeited na dahil overstaying na on the allowable period of 30 days na halos umabot na ng isang taon.
But still, WALANG AKSYON ang Customs District collector’s office ng MICP!?
Ito na naman po ang other side of the story: ang balita po naman natin, ang MEAT PRODUCTS ay hindi naman daw totoong inabandona ng consignee/s at nagbayad na raw ng kanilang DUTIES and TAXES sa Customs.
At kaya raw hindi nailabas agad-agad ay nagkaroon ng problema sa storage fees at koryente na sinisingil ng arrastre.
Most of the import entry ay nahinto umano ang processing at hindi raw naman talaga inabandona per se.
And because of the delay, hindi na makapasok sa OLRS (ON LINE RELEASING SYSTEM). Ang balita pa, ginawan ng paraan by the collector’s office to re-examine ulit with the presence of IG and ESS including ang representative by quarantine to determine if fit or unfit for HUMAN CONSUMPTION ang mga nasabing karne.
At kapag madetermina na OK pa, ipa-rerelease by the order of the district collector of MICP ELMER DELA CRUZ thru the recommendation of quarantine, bureau of animal Industry, National Meat inspection service.
May alingasngas kayang nangyari sa mga karne na ‘to?