This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
HINIHINALANG tumalon ang isang call center agent mula sa ika-10 palapag ng gusaling kanyang pinagtatrabahuan kahapon sa Makati City.
Kinilala ni Makati City Police chief, Sr. Supt. Ernesto T. Barlam ang biktimang si Wilson Binauhan, 27, call center agent sa SKYKES Marketing Incorporated, sa 5th floor, Glorietta 1, Ayala Center ng lungsod, residente ng 226 Calumpang Cerca, Indang, Cavite.
Sa pagsisiyasat ni SPO2 Jason David, ng Homicide Section, dakong 1:20 a.m. nang matagpuan ang biktima na wala nang buhay ng kanyang mga kasamahan sa roof deck ng ikaapat na palapag ng Glorietta 1, Ayala Center.
Hinala ng pulisya, mula sa non-smoking balcony, pantry area na matatagpuan sa 10th floor ng gusali posibleng tumalon ang biktima.
Sinabi ng pulisya, posibleng may matinding personal na problema ang biktima kaya nagpakamatay.
Nagsasagawa ng imbestigasyon ang Makati City Police upang mabatid kung may naganap na foul play sa insidente.