Special announcement ni MVP kaabang-abang

Manny V Pangilinan TV5 MVP

I-FLEX
ni Jun Nardo

ANO kayang event ang ilalabas ngayon ni Manny V. Pangilinan?

Special announcement daw ang sasabihin ni MVP pero ayaw magbigay ng advance details ng nag-imbita dahil baka mawalan siya ng trabaho eh marami pa raw siyang pangarap!

Eh nitong nakaraang araw, may “nagkabilihan” ng mga share! 
     

Eh ‘di ba, nabalitang bibilhin umano nina MVP at Ramon S. Ang ng San Miguel ang ABS-CBN?

May kinalaman kaya rito ang announcement bukas ni MVP?

Exciting, huh!