I-FLEX
ni Jun Nardo
PINAYAGAN na ng Eat Bulaga si Wally Bayola na maging bahagi ng show dahil na rin kaya na niyang tumayo.
May clearance na rin naman kasi ang doctor na mag-show si Wally na sa 47th anniversary ng Eat Bulaga umapir bilang reunion ng mga lola ng Kalye Serye at Yaya Dub (Maine Mendoza).
Pero hanggang studio lang muna si Wally, hindi muna siya kasama sa Sugod Bahay na sa labas ng studio ginagawa.
Walang saklay o wheelchair si Wally sa studio. Hindi nga lang magaslaw ang galaw.
Naaksidente si Wally habang sakay ng kanyang big bike papuntang Bicol. Nabasag ang kanyang bukong-bukong, inoperahan at nilagyan ng turnilyo at six months ang sabi ng doctor na kailangan niyang ipahinga.
Eh walang masyadong income kaya pinayagan na rin ng Eat Bulaga si Wally na lumabas sa noontime show.
