Mauro Salas ng VMX handang gamitin hitsura at katawan  

Mauro Salas

HINDI hinuhusgahan ng VMX star at isa sa lead actor ng Haplos ni Milagros na si Mauro Salas  ang mga lalaking nagtatrabaho sa gay bar.

Pero hindi nito masabi kung kaya niyang pumasok at magtrabaho sa gay bar.

Tsika ni Mauro, “‘Di ko masabi kasi, paano kung dumating din ako sa point na ganoon, tapos walang work,walang source of income.”

Dagdag pa nito, “Puwede sigurong diskarte ‘yun noh, pero ‘di ko masabi, pero kung papaldo naman ‘di ba?

“Gagamitin mo ‘yung  hitsura at katawan mo, tapos didiskarte, puwede na.”

Pero hindi nito dini-discriminate o jina-judge ang mga lalaking nagtatrabaho sa gay bar.

Hindi, hindi ko jina-judge, kanya-kanyang diskarte ‘yan, for as long na wala kang tinatapakan okey lang naman ‘yun.”

Ibinahagi rin nito ang kanyang role sa kauna-unahan niyang VMX film.

“Ako po si Elmer, driver na tigasin na magiging parausan.”

At sa pagpasok niya sa pagpapasexy mula sa pagiging modelo ay malaki ang kanyang naging adjustment.

Medyo malaki ang adjustment para sa akin, lakas ng loob ‘yung lang ‘yung kinapitan ko.

“Pero  nandoon ako sa part  na sinusubukan ko pa rin, pero ‘di ko iniisip na matagal na rin, gusto ko rin gumawa ng pangalan dito.

“Inisip ko na driver ako, driver ako rito, at the same time gusto kong i-insert na maangas pa rin ako kahit driver ako.”

Makakasama ni Mauro sa Haplos ni Milagros sina John Mark Marcia , Anya Austria, Honey Abe, at Vern Kaye sa direksiyon ni Christopher Novabos. Mapapanood na sa VMX sa Aug. 14. (John Fontanilla)