Since full authority and control na ang hawak nitong si Bureau of Immigration (BI) Associate Commissioner Gilber U. Repizo, mas maganda siguro kung isama agad niya ang pag-relieve sa inaanak sa kasal ni Comm. Fred ‘greencard’ Mison na si NAIA Terminal 3 Head Supervisor, Chem Sagwan ‘este’ Siguan!
Hanggang ngayon kasi ay wala pa raw linaw ang mga misteryo ng mga nawala at nagamit na mga immigration service stamps diyan sa NAIA T-3 na ikinasibak ng 5 Confidential Agents (CA).
Hanggang ngayon ay sumusumpang wala raw talaga silang (CA) kinalaman sa mga nagamit na service stamp na ipinantatak sa mga pinalusot na pasahero papunta raw sa Lebanon!
But since wala naman silang magawa kaya naging sacrificial lamb ang mga kaawa-awang nilalang.
Full knowledge naman na bagyo raw itong si “Sagwan” este Siguan kay Atty. Tara na paborito ni Mison, komo ang pet name pa nga raw nitong si panyera sa kanya ay si “KIMI-Dora.”
Kahit sandamakmak na bulilyaso pa raw ang inabot nitong si Sagwan ‘este’ Siguan ay patuloy pa ring nabibiyayaan ng magagandang puwesto at sa mga pangunahing airports pa ng Pinas!? Ano naman itong narinig natin na kahit sa MCIA, CIA at pati riyan sa NAIA T-3 ay lagi na lang may service stamps na naliligaw ng landas ‘pag nandiyan si IO Siguan aka Kimi-dora???
What the fact!?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com