Sunday , December 29 2024

PCSO Chairman Ayong Maliksi ‘iginagapos’ ng PCSO board pabor sa STL operators

042215 PCSO ayong maliksiMASAKLAP itong kalagayan ngayon ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairman Ereneo “Ayong” Maliksi kung totoo ngang ‘napakahina’ ng kanyang convincing power sa Board of Directors (BOD).

Sabi  ni Chairman Ayong, “Hindi ako makagalaw laban sa mga katiwalian ng STL operations. Nakagapos ang kamay ko sa kontrol ng mayorya ng PCSO Board.”

Hindi natin alam kung ang statement bang ito ni Chairman ay ekspresyon lang ng desperasyon o resignasyon?!

Alam n’yo naman sa PCSO, they’re running it like a  business, kaya kahit Chairman pa, pero hindi kombinsido ang mayorya sa board sa kanyang desisyon o ideya, e hindi mangyayari ang gusto niya.

Natuklasan kasi ng National Bureau of Investigation na halos P3 bilyon ang napababayaan ng PCSO na bayarin ng STL operators para sa documentary stamp tax.

Ang nasabing halaga ay mula sa 10 porsiyentong butaw sa documentary stamp na dapat bayaran ng STL operators para sa benta ng loterya mula noong 2006 hanggang 2015 na umaabot sa P29 bilyon.

Sinisi ni Chairman Ayong si PCSO general manager Joy Rojas at ang kanyang management team dahil bigo umano silang makolekta ang sobrang laking halaga na dapat sana ay agarang nalilikom ng gobyerno sa pamamagitan ng BIR.

Bukod sa isyung P2.9 bilyong back taxes, marami pa raw dapat iwasto sa operasyon ng STL tulad umano ng beripikadong paggamit sa nasabing loterya bilang prente ng jueteng.

“Maging ang pagpapababa ng sales report ng mga operator mula sa kanilang aktuwal na benta ay gusto ko sanang maituwid, pero hinadlangan ito ng mayorya ng PCSO Board,” pahayag ni Maliksi.

Kanyang ipinaliwanag na anomang aksiyon o resolusyon na inihahain bilang tserman ng policy-making body ng PCSO ay ibinabasura ng mayorya ng Board na ang ilan sa kanila ay obyus umano ang pagkiling sa mga operator ng STL.

Medyo mabigat ‘yang  pahayag ni Chairman Ayong at tiyak na marami ang aalma laban sa kanya. Pero kung kakampi ni Chairman ang NBI, tiyak na may kalalagyan ‘yang mga gusto siyang gapusin!

Pero sa totoo lang Chairman Ayong, hindi lang ‘yan ang problema sa PCSO, busisiin mo rin ang public information at advertising office ng inyong ahensiya.

Sandamakmak din ang iregularidad sa mga placement ng ADS diyan sa tanggapan na ‘yan, Chairman Ayong.

Milyon-milyon at malamang ay umabot na rin sa bilyones ang nalulugi sa gobyerno dahil sa mga irregular na transaksiyones na nagaganap riyan.

Hindi kaya muling mangitim ang mga buhok ni Chairman dahil sa dami ng kunsumis-yon na kinakaharap niya ngayon sa PCSO?!           

Pasugalan sa Parañaque nina Bebot at Kris

WALA rin talagang patawad sina alyas Bebot at Kris na kilalang operator ng 1602 gaya ng dropballs at color games.

Napasok na rin pala ng tandem ang Gatchalian Subdivision sa Parañaque City at ipinagmamalaki pang may permit daw sa barangay ang kanilang ‘perya-sugalan.’  

Mantakin n’yo ‘yun?!

Alam mo ba ‘yun Parañaque Mayor’s Squad chief, C/Insp. Rolando Santiago?! 

Aba, ang alam natin ‘e naririyan ka para magwalis ng mga ilegal, hindi para mangonsinti ng mga perya-sugalan.

Huwag kang pakaang-kaang kupitan este Kapaitan Santiago!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *