SA mga viewer ng It’s Showtime, siguro napapansin ninyo na may bago na namang hairstyle ngayon si Vice Ganda. Sa lahat ng hairstyle na kanyang pinauso, itong bago ang pinakamaganda.
Mayabong at itim na itim ang buhok na nasa tuktok ng kanyang ulo at sa bawat gilid ng kanyang ulo ay manipis na manipis na kinulayan ng dilaw.
Bagay na bagay iyon sa kanya.
Naku, hindi ako magtataka kung mamaya, paglabas ko sa kalye ay may gumaya na ng hairstyle ni Vice.
Isa yata si Vice sa influential TV personalities na kung ano ang nakikita sa kanya ay ginagaya ng madlang pipol.
Samantala, congratulations kay Vice for bagging 4 trophies sa katatapos na 7th PMPC Star Awards for Music.
MAKATAS – Timmy Basil