Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ligaya (Sue) nagpakumbaba at nagbigay pa nang love offering kay Gelo (Daniel), Sa lalong umiinit na mga tagpo sa Pangako Sa ‘Yo

112315 Daniel Padilla Sue Ramirez PSY

Habang patuloy sa kanyang pag-asenso bilang magaling na chef si Yna Macaspac (Kathryn Bernardo) na ang pangarap ay makapagpatayo ng sarili niyang resto, ang paggawa naman ng tinapay sa pag-aaring ba-kery ni Tatay Greggy (Tirso Cruz 111) ang pinagka-kaabalahan ni Angelo (Daniel Padilla) na nga-yon ay kilala na bilang Gelo sa kanilang lugar sa isang squatter area kasama ang kapatid na si Lia (Andrea Brillantes).

Malaki na rin ang ipinagbago ng character ni Lia at iniwan na ang pagiging sweet sa bagong mundo nila ng Kuyang si Gelo sa top-rating teleseryeng “Pangako Sa ‘Yo” na mapapanood sa ABS-CBN Primetime Bida pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Sa kanyang pagi-ging panadero na laging gala sa kalsada ay isa sa nakahahalubilo ngayon ni Gelo na kaasaran niya ang dalagitang si Ligaya (Sue Ramirez) na tindera sa palengke. Pero sa latest episode ng PSY, dahil tila nagsawa na sa aso’t pusang away nila ni Gelo ay nagpakumbaba na at binigyan pa ng love offering upang magbati na sila.

‘Yun na kaya ang umpisa nang pagiging ma-lapit ng dalawa sa isa’t isa? Kapag nangyari ito, paano na si Yna? Lalo na ngayon sa kanyang bagong mundong ginagalawan ay mukhang masaya na ang binata sa simpleng buhay kasama ang mga itinuturing na nilang Kapamilya ni Lia na si Tatay Greggy at ang mag-asawang Monay (Mickey Ferriols) at Kabayan (Bayani Agbayani) na away bati rin ang drama dahil laging nagseselos si Monay sa babae kuno ng mister.

Nasaan na pala si Amor Powers? Kailan siya uli masisilayan ng TV viewers lalo na ngayong makalalaya na si Eduardo Buenavista (Ian Veneracion) na pinagkalooban ng presidential pardon dahil sa magandang record sa bilangguan.

Abangan ang lahat nang iyan sa lalo pang tumitindi at umiinit na mga tagpo sa Pangako Sa ‘Yo sa ilalim ng direksiyon ng mga famous and blockbuster battery of directors ng Kapamilya network kabilang na sina Inang Olive Lamasan, Rory B. Quintos, Dado C. Lumibao, Cathy Garcia-Molina also Direk Richard I. Arellano, Will Fredo and Mae Cruz-Alviar and this from Star Creatives.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …