Saturday , December 28 2024

BI nagbabala raw vs pekeng pinoys

Fred MisonSA pamamagitan ng kanilang Facebook account, mahigpit daw na nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) laban sa mga pekeng Pinoy.

Ibig bang sabihin nito ‘e sandamakmak ang mga pekeng Pinoy sa Philippines my Philippines ngayon?!

Sabi ng isang kahuntahan natin, ‘wag na raw tayong magtaka.

Mayroon nga raw tumatakbong presidente na kinukuwestiyon ang pagkamamamayan ‘di ba?!

At mismong ang hepe ng Bureau of Immigration (BI) ay may tsismis na ‘greencard’ holder.

Pero nang tanungin sa isang radio program ‘e tumirada ng: “I’m not in liberty to divulge.”

What the fact!?

May record naman daw ang BI at ang US Citizenship and Immigration Services (USCIS) na makapagsasabi kung US ‘greencard’ holder ang isang tao.

Inuulit lang po natin, batay sa itinatadhana ng Section 18, Article XI, 1987 Philippine Constitution, ang sino mang opisyal at kawani ng pamahalaan ay dapat parusahan kapag nagpalit ng citizenship o nakakuha ng immigrant status sa ibang bansa.

“Public officers and employees owe the State and this Constitution allegiance at all times, and any public officer or employee who seeks to change his citizenship or acquire the status of an immigrant of another country during his tenure shall be dealt with by law.”

Kung genuine ‘yang pagbibigay ninyo ng ‘BABALA’ aba unahin ninyong uriratin ang citizenship ng bossing ninyo.

Hindi ‘yung kung sino-sino pa ang itinuturo, pero tatlong daliri pala ang nakaturo sa kanila.

O sige na, ILARGA na ninyo ‘yang kampanya ninyo laban sa mga pekeng Pinoy — umpisahan NINYO sa Office of the Commissioner!

Pwede ba!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *