Bad service ng V. Roque Customized Kitchen nakaiirita
Jerry Yap
October 29, 2015
Bulabugin
AKALA ng isang kaibigan natin, nang kunin niya ang Kitchen One ng V. Roque Corporation, makers daw sila ng customize kitchen at sila umano ay “industry leader and country’s premier manufacturer” ‘e masisiyahan siya at maipagmamalaking tunay ang kahihinatnan ng kanyang kitchen.
Pero hindi pala…
Imbes matuwa, nakunsumi ang kaibigan natin dahil matapos niyang magbayad nang buo… repeat: FULL PAYMENT para sa installation ng kanyang kitchen ‘e biglang ‘nganga’ na sila sa kahihintay kung kailan mai-install ang nasabing kitchen.
Mabilis lang daw maningil pero makupad naman sa serbisyo.
Ang nakainis na rason ng V. Roque, nagkaroon daw sila ng problema sa mga installers nila dahil sa isyu ng allowances.
Hello!!!
Ano naman ang paki ng nag-full payment na customer sa isyu ng pagbibigay ninyo ng allowance sa mga installer ninyo?!
Problema ba ng customer ‘yan?
Bayad ang customer at kung may problema kayo sa installers ninyo, problema ng kompanya n‘yo ‘yan at hindi ng customer!
Be professional naman Kitchen One & V. Roque. Ang yabang ng profile ninyo… “since 1977… an industry leader and the country’s premier manufacturer of modular kitchens, cabinets, closets, and doors.”
Aba ‘e kung 38 years na kayo sa industriya dapat mayroon na kayong reserbang installers. Ayaw ko namang sabihin na may kostumbre kayong manunuba kung bakit nilalayasan kayo ng installers ninyo.
Kung diyan kayo umasenso at diyan kayo nagkaroon ng pangalan sa industriya, dapat minamahal rin ninyo ang mga installer at customers ninyo.
‘E parang one-way ang pakikitungo ninyo sa customer ninyo.
Kung bayad na ‘yan, gawin ninyo ang lahat ng paraan para tuparin ninyo ang serbisyong dapat na ipagkaloob ninyo sa kanila.
Huwag ninyo gamiting ‘alibi’ ang mga installer ninyo!
Umayos nga kayo!!!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com