Monday , December 23 2024

Manyakis in-tandem sa BI-NAIA

BI naia maniac in tandemPanibagong issue tungkol kay Johnny “Extra Small” Bravo. Dumarami raw ang nagrereklamong babaeng Immigration Officers (IO) lalo na ‘yung mga bata pa na naka-assign sa BI-NAIA.

Naging hobby raw kasi nito ang mang-akbay with matching slide pa ng kamay sa likod ng mga babaeng IO.

Sanamabits!!! Aba bawal ‘yan parekoy!

Sexual harassment ‘yan bata!

Palibhasa raw feel na feel ng mokong ang pagiging hepe kaya sinasamantala. Hindi naman makaangal ang mga kawawang babaeng IO kahit sobrang naiirita na sila at nagngingitngit sa galit kay “extra small!”

Hindi lang daw pang-aakbay at pantatsansing ang nakagawian nito. Kung makatingin din daw sa mga babae sa airport halos lumuwa na raw ang mata na parang hinuhubaran ang bawat magandang IO na tinititigan!

Todo patigas-etits pala itong si Bugoy!

Sabagay marami talagang ganyan diyan sa airport lalo na kapag nabibigyan ng konting posisyon. Meron nga rin diyan na isang Immigration Intel agent na feel na feel din ang kanyang kili-kili power.

Nabansagan tuloy siyang Batanggenyong manyakol sa NAIA na talaga namang sobra rin sa pagka-bogli!

Eeeewww!!!

Pero iba rin ang trip nitong si Batanggenyong manyakol. Mga pasahero naman na na-off-load at flight stewardess ang tina-target nito.

Tamang-tama pala ang partnership nila ni Mr. Extra Small. Mas bagay siguro tawagin ‘yang dalawang bugoy na ‘yan na “Manyakis-In-Tandem!”

Well, Mr. Extra Small, bawal ‘yang ginagawa mo! Hindi ka ba kinikilabutan sa style mo?

Swak na swak ka sa R.A. 7610 once na inireklamo ka ng mga IO na pinagpapantasyahan mo, bugoy ka!!

A friendly advice Mr. Johnny B, if I were you, mag-concentrate ka na lang sa trabaho mo. Hindi ka pa ba kontento riyan kay IO Bebethsky?!

At least diyan safe ka sa reklamo!

Or better pagtiyagaan mo na si Maryang Palad kung talagang tigas etits ka!

Mas mabuti ‘yan kaysa naman makasuhan ka!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *