‘Abogagong’ Asuncion kaladkad ang ngalan ni Gen. Richard Albano sa Calabarzon
Jerry Yap
October 8, 2015
Opinion
MAY kumakalat daw na riddle o bugtong ngayon sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon)… ganito raw: “Bugtong, bugtong, hindi pulis, hindi abogado, nagpapanggap na amo…” Sagot: ASUNGOT ‘este’ ASUNCION!
Alam n’yo na?!
‘Yan po mga suki, mayroon daw isang nagpapakilalang Utorney ‘este’ Attorney Asuncion na kinakalantare ang pangalan ni Gen. Richard Albano sa iba’t ibang klase ng mga ilegalista sa PRO-4.
Saan naman kayo nakakita na abogado raw siya pero lahat ng ilegalista pasok at timbrado sa kanya?!
‘Yan daw ay sa utos ni Gen. Banong?
Kaya hayun, nanginginig daw ang tumbong ng mga ilegalista kapag nariyan si attorney alyas Kamagong.
‘E ang tanong, sino ba talaga si Kamagong at si Asuncion?!
Bakit ang lalakas ng loob na hatawin ang lahat ng mga pwedeng tarahan diyan sa CALABARZON?!
Heto pa ang isa, isang alyas Kernel Yari naman daw ang namamahala sa pambubukol ‘este’ payola ng media.
Basta ang importante, alam n’yo na, huwag babanatan ang mga ilegal sa CALABARZON.
Aruykupo!
Gen. Banong, Sir, balita natin, pati si SILG Mel Senen Sarmiento ‘e naipangongolekta na nitong si Atty. Kamagong ‘este Asuncion…
Wala ka rin bang alam diyan, Gen. Banong?!
Aba ‘e gasgas na gasgas na ang pangalan mo sa panggagamit ni alias Atty. Asuncion…wala ka pa rin kibo? Wala ka pa rin aksyon?
Pakisagot na nga Gen. Banong!
MMDA Chairman Francis Tolentino dinamba ng kamalasan
Aba ‘e mantakin n’yo namang hindi natin akalain na sa ganito magwawakas ang ambisyong maging senador ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino?!
‘Yung bang tipong nag-twerky sa tuwad na daan ang ambisyong maging senador ni Tolentino…
Aruyku, talaga naman!
Kumbaga, ang tagal plinano ‘yang pagtakbo na ‘yan. Ang daming dinaanang ‘testing the water’ pero nauwi sa ‘tumuwad na pangarap’ dahil lang sa mga babaeng miyembro ng PLAYGIRLS na nagtutuwad-tuwad sa isang event ng Liberal Party kasabay ng birthday celebration ni Rep. Benjie Agarao.
Wala tayong masabi kay Chairman Francis, mula nang mangyari ang insidente ay tahimik lang siya, dahil hindi niya maintindihan kung anong klaseng ‘bulalakaw’ ang tumama sa kanya, na pinalala pa ng mga pagsagot-sagot ni Agarao sa media.
Kamote talaga!?
Kumbaga, napahamak si Tolentino dahil kay Agarao.
Kahapon, mismong si MMDA Chair Tolentino ang nagsalita. Hindi raw niya kasi nakikita ang performance ng PLAYGIRLS, pero kung makasisira raw siya sa Liberal Party, ‘e tanggalin na raw siya sa senatorial slate.
Kahapon din ‘e nag-resign na bilang MMDA chairman si Tolentino…
Tsk tsk tsk…
Nakalulungkot, pero tingin natin ‘e ‘yun lang talaga ang pwedeng gawin ni Chairman Tolentino, ang umatras sa labanan dahil kung hindi ‘e madadamay pa ang buong partido.
Hindi lang natin alam kung saan siya pupunta ngayon. Hindi naman siya puwedeng bumalik sa Tagaytay dahil narooon na ang kanyang utol at hipag.
Sa susunod siguro, ‘e alam na niya kung ano ang “DOS and DON’TS.”
Talagang ganyan, sabi nga ‘e, we learned the lessons in a hard way.
Good luck on your next endeavours, Chairman!
CNN Pinoy tv host pinagbantaan ng isang parak at dyowang NBI agent kuno?!
Matindi rin naman ang isang PO3 Joeson “Jojo” Villagracia…
Hindi natin alam kung talagang wala siyang kabog sa dibdib o nanghihiram lang ng tapang sa sukbit niyang baril ganoon din ang kanyang mga kasamahan na kaladkad naman ang pangalan ng iba’t ibang law enforcement agency.
Aba, mantakin ninyong nang alalayan ng katotong Gani Oro ng CNN Phils., ang isang babaeng kasama niyang Rotarian ‘e pinagbantaan pa siya ni Villagracia na wala raw media-media sa kanya dahil kayang-kaya niyang itumba?!
Kahindik-hindik naman ‘yang pagbabanta na ‘yan?!
Talagang harap-harapan ha!
Kung hindi tayo nagkakamali, sumaklolo si katotong Gani dahil isinalya sa loob ng van ang kasama niyang Rotarian.
Hindi rin nila maintindihan kung bakit kailangan dakpin at iposas ang co-Rotarian ni Ka Gani gayong nakapaghain na ng piyansa.
Pagdating sa estasyon ng pulisya, doon nabatid nina katotong Gani na mismong dumampot sa kasamahan nilang babae ang complainant.
Pwede na pala ‘yun?
Aba, QCPD director, Chief Supt. Edgardo Tinio, alam mo bang lahat yata ng tao mo sa General Assignment Section (GAS) na sina SPO4 Nick Fontanilla; SP02 Ronald Onitan, P01 Jay-R dela Cruz, P01 Archie Evangelista, P01 Marvin Batoy at P01 Vienvinido Fabro ng QCPD Warrant Section ay hinakot doon ni Villagracia?!
Talagang gamit na gamit raw ang mga tao ninyo Gen. Tinio dahil nabatid na pekeng NBI agent umano ‘yung complainant na si Andi, at fake and fabricated ang arrest warrant na bitbit ng mga tukmol na pulis.
Totoo rin ba na itinanggi ni Judge Jerome Jimenez ng Manila MTC ang nasabing arrest warrant?!
Aba, dapat talagang imbestigahan ‘yang si Villagracia, Gen. Tinio!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com