Wednesday , March 22 2023

Gilas ‘di natibag ang Great Wall

101515 gilas pilipinas
MATIBAY kaya hindi natibag ng Gilas Pilipinas ang Great Wall ng China.

Nabigo ang Pilipinas na tumuloy agad sa Rio matapos yumuko sa China, 67-78 sa Finals ng 2015 FIBA Asia Championship for Men sa Changsha, China kamakalawa ng gabi.

Nasungkit ng China ang nakatayang tiket sa 2016 Rio Olympics habang naikuwintas sa mga Pinoy cagers ang silver.

May isa pang tsansa ang Gilas na makakuha ng pasaporte sa Rio pero paniguradong dadaan sila sa butas ng karayom makahirit lang ng laro sa Olympics.

Magkakaroon pa ng isang qualifying tournament sa Hulyo 4 hanggang 10 bago mag-umpisa ang Olympics sa Agosto sa Brazil.

Maghaharap ang mga second to fourth placers ang mga teams sa iba’t-ibang kontinente ng kanilang FIBA tournaments.

Bukod sa Pilipinas, makakasama nila ang Iran (3rd) at Japan (4th) na sasabak para tatlong tikets sa Rio.

Nakalamang ang Pilipinas, 15-10 sa first canto pero nang makuha ng China ang bentahe, 15-16 ay hindi na ito ibinalik sa una ang manibela.

Inalat sina three-point range at free throws ng Gilas kaya nahirapan ang mga ito na makahabol sa huling dalawang quarters.

Si Andray Blatche ang nanguna sa opensa para sa Gilas matapos magtala ng 17 puntos habang may tig nine points sina Calvin Abueva at Terrence Romeo. (ARABELA PRINCESS DAWA)

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Marian Calimbo

Cebuana chesser nakatutok sa Malaysia tourney

MANILA — Isang 20-anyos chess player mula Malabuyoc, Cebu ang nakatakdang lumipad sa Malaysia para …

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

HUMAKOT ang Swimming League Philippines – Team Philippines (SLP-PH) nang kabuuang 61 medalya, kabilang ang …

Buhain COPA Swimming

Suporta ng COPA sa ‘Stabilization Committee’ — Buhain

IDINEKLARANG tagumpay ang ikinasang National swimming tryouts ng Stabilization Committee na nilahukan ng 188 atleta …

Darren Evangelista Langoy Pilipinas

Top swimmers ng Langoy Pilipinas sasabak sa Guam

KASADO na ang programa para sa international exposure ng mga batang medalists at promising swimmers …

Eric Buhain swimming

Buhain nanghimok makilahok sa PH swimming tryouts

HINIKAYAT ni swimming legend Batangas 1st District congressman Eric Buhain ang lahat ng Filipino swimmers …

Leave a Reply