ANO na ang nangyari sa egg business, ng has been na sexy star na inendorso pa ng veteran journalist sa social media. Nalugi ba o nagsara na ang negosyo ng ate nating ito? Bulong kasi ng ating informant, wala nang ginawa ang boldstar na medyo lumusog ang katawan kundi ang utangan ang mga kapwa celebrity.
Ang pangit lang sa ugali niya, magaling siyang mangutang pero wala naman daw planong magbayad kaya’t pinandidirihan na siya ng mga taong naperhuwisyo niya.
Ang cheap ng hitad, bagsak na nga ang kabuhayan ay nakuha pang pumatol sa kanong jobless na tulad niya hindi naman siya kayang buhayin. So ano ang ipakakain sa kanya, nota?
Ang syonga-syonga ng hubaderang ito gyud!
COLEEN GARCIA BIG STAR NA MOVIE WITH DEREK RAMSAY NAKA P8M SA FIRST DAY AT SECOND BLOCKBUSTER WEEK NA
HINDI nasayang ang pagbe-bare ni Coleen Garcia sa kanyang launching movie sa Star Cinema na “Ex With Benefits” katambal ang hunk actor na si Derek Ramsay kasama si Meg Imperial.
Bukod kasi sa magandang grado (Graded A) na nakuha ng pelikula sa Cinema Evaluation Board (CEB), maganda rin ang resulta nito sa takilya.
Sa unang araw ng pagpapalabas sa mga sinehan sa buong bansa, kumita na agad ng P8 milyon at second blockbuster week na. Kaya ngayon pa lang ay puwede nang ihanay si Coleen sa mga big star na kumikita talaga ang mga pelikula.
Tinagurian na ngang new box office sensation ang Kapamilya star. At least nakita na ni Coleen, ‘yung talagang forte niya na effective siya sa sexy drama movie at sana masundan pa ang first mainstream movie ng tisay na actress at magtambal uli sila ni Derek na may mass box office appeal rin.
Siyempre dagdag factor rin si Meg sa pagtabo ng pelikula at marami rin siyang barakong fans na supportive sa kanyang career.
Binabati rin pala namin ang director ng Ex with Benefits na hunkable ang dating na si Gino Santos na nagtagumpay agad sa kanyang first attempt sa paggawa ng mainstream movie.
Si Direk Gino rin pala ang director noon ni Coleen sa indie movie ng actress na #Y na ipinalabas last year sa Cinemalaya.
Hit pa more gyud!
TELESERYENG “ALL OF ME” NI JM DE GUZMAN AT YEN SANTOS NANGUNGUNA SA KAPAMILYA GOLD, DOBLE KARA NI JULIA MONTES ‘DI RIN NAGPAPAHULI
Ibang klase talaga ang ABS-CBN na may hawak ng pinakamaraming top-rating shows sa buong bansa. Magmula sa kanilang afternoon at evening timeslot talagang namamayani ang Kapamilya network lalong-lalo sa kanilang magaganda at dekalidad na mga teleserye na tinututokan talaga araw-araw ng mga manononood hindi lang sa Pinas kundi sa buong mundo.
Hayan at kasisimula pa lang noong Agosto 31 ng afternoon teleserye na “All of Me” na pinagbibidahan nina JM de Guzman at Yen Santos kasama sina Albert Martinez at Aaron Villaflor na napapanood Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Doble Kara.
Pumalo na agad ang tinaguriang mystical serye sa mataas na rating na 18.4% at base sa Kantar National TV Ratings ang All of Me, ang number one soap ngayon sa Kapamilya Gold na tinalo nang mahigit 6 puntos ang Buena Familia ng GMA na nakakuha lamang ng 12.8%. Tampok rin sa nasabing palabas sina Neri Naig, AnaCapri, Micah Munoz, Jordan Herrera, Sue Ann Ramirez, at Akira Morishita.
‘Di rin nagpapakabog ang Doble Kara ng Royal Prinsesa ng Drama na si Julia Montes na hinahangaan sa kanyang mahusay na pagganap ng dual role bilang Kara at Sarah sa pinagbibidahang serye sa Dreamscape Entertainment. Nahigitan ng Doble Kara sa rating na 16.7% ang kalabang show na mayoon lang 15.7%. And for sure mas lalo pang tataas lalo’t parami nang parami ang viewers ng serye ng magandang young actress kasama ang dalawang leading men na sina Edgar Allan Guzman at Anjo Damiles atbp.
Panalong-panalo rin ang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita topbilled by Vina Morales, Denise
Laurel, Christian Vasquez at ang bagong pasok sa soap na si Richard Yap sa latest rating na 14.7% na mas malaki kompara sa katunggaling programa na 12.1% lang. Samantala angat rin sa ratings ang current affairs show na Mission Imposible(1O.6%) at ang hit game show na Kapamilya Deal or No Deal(13.9%) kontra sa Alisto(8.O%) at 7.4% ng Birth of a Beauty.
VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma