ARTISTAHIN ang anak ni Angelu de Leon kay Joko Diaz na si Nicole. Magde-debut na ito next year. Inglisera ito at puwede talagang mag-artista.
Sinabi ni Angelu na okey na okey na sila ni Joko. Eversince hindi naman talaga niya inobliga si Joko na magbigay ng sustento sa anak nila pero hindi naman daw nakalilimot si Joko lalo na kapag may special occasion. Ngayong malaki na si Nicole, dumidiretso na sa bata ang kung anuman ang gustong ibigay ni Joko rito.
Nahihiram na rin ni Joko si Nicole pero hanggang ngayon ay hindi pa rin puwedeng matulog ito sa bahay ng kanyang ama. Para raw ‘di magkaroon ito ng comparison.
Happily married na si Angelu sa hubby niyang si Wowie. Kamakailan ay nag-celebrate ng kanyang 36th birthday si Angelu sa Spice and Cleaver sa may Capitol Commons na pag-aari niya.
Nakita namin doon ang mga friend niya from showbiz na sina Gladys Reyes, Mel Kimura, Jenny Miller, Carlene Aguilar, Ryan Sese, Thess Bomb at iba ba.
MAKATAS – Timmy Basil