This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
DALAWANG pares ng sapatos na inabandona at nasa lost and found section ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang nadiskubreng may nakatagong dalawang kilo ng heroin.
Ayon sa MIAA kahapon, ang mga sapatos na kinabibilangan ng itim na Clark Active Air, at Brown Clark Active ay mas mabigat kaysa normal na timbang nang pagbukod-bukurin ng lost and found personnel ang unclaimed items noong Lunes.
Nadiskubreng ang bawat pares ng sapatos ay may nakatagong tig-1000 gramo na may tinatayang street value na P10 milyon.
Ayon kay MIAA spokesman David de Castro, ang mga droga ay maingat na ibinalot sa dark plastic material na inihugis at itinago sa suwelas ng sapatos.
Ang nasabing droga ay ibinigay na sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), na agad kinompirmang heroin.
Dagdag ni De Castro, ang isang kilo ng heroin ay tinatayang may street value na P5 milyon.
Hindi pa nalaman kung kailan at kung saan nakita ang mga sapatos sa Ninoy Aquino International Airport.