Saturday , March 21 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wendell, Kapamilya na!

080715 wendell ramos


00 SHOWBIZ ms mTUWANG-TUWA si Wendell Ramos at halos hindi makapaniwala na binigyan siya ng ABS-CBN2 ng sariling presscon bilang hudyat ng pagpasok niya sa hit primetime serye ng na Pasion De Amor.

Ani Wendell, tinanong pa raw niya ang kanyang ina kung totoo nga raw bang may sarili siyang presscon.

Bale bibigyang buhay ni Wendell ang panibagong karakter na lalong magpapainit sa mga tagpo sa Pasion de Amor. Siya si Gabriel, anak ni Gabriela (Teresa Loyzaga) sa ibang lalaki at lalabas na kuya sa magkakapatid na Norma (Arci Munoz), Sari (Ellen Adarna), at Jamie (Coleen Garcia).

Nananatiling misteryoso ang kanyang pagkatao sa mga manonood at hindi pa lubusang matanto kung siya ba ay kakampi o kaaway.

Bago nakompirmang anak nga ni Gabriela si Gabriel, nagsagawa muna ng DNA test at saka nabigyan ito ng maayos na tahanan. Sa paglabas ni Gabriel, matanggap kaya siya ng tatlong kapatid bilang kuya? Ano ang talagang pakay ni Gabriel at inilantad niya ang kanyang pagkatao sa mga Elizondo?

Samantala, ang Pasion De Amor ang kauna-unahang Kapamilya serye ni Wendel matapos siyang unang lumabas sa hit legal drama na Ipaglaban Mo. Kaya naman ganoon na lamang ang kasiyahan ng actor na malaki ang pagpapahalagang ibinigay sa kanya ng Kapamilya Network.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Diana Marie Serrato Yanalovesyouu 

Pamilya ni Yanalovesyouu proud sa anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA ginanap namang mediacon para sa My Husband Is A Mafia Boss, madamdaming ipinakilala …

Kuya Kim Atienza netizen Psychiatrist

Kuya Kim sinaklolohan netizen na kailangan ng Psychiatrist

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PURING-PURI ng netizen sa socmed world si Kim Atienza dahil sa naging positibong …

Sunshine Cruz

Mukha ni Sunshine Cruz nilait

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez BINUWELTAHAN ni Sunshine Cruz ang isang netizen na nanlait sa kanyang mukha at hitsura.  Sinabihan …

Joseph Marco Rhen Escano My Husband Is a Mafia Boss

Rhen kinikilig kay Marco, friendship special 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez UNANG pagsasama pa lamang nina Joseph Marco at Rhen Escano sa series adaptation sa Wattpad phenomenon …

Robb Guinto Louie Ignacio

Robb Guinto, pinayohan ni Direk Louie Ignacio, gawing inspirasyon sina Jaclyn Jose at LT

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINAARTE nang todo ang sexy actress na si Robb Guinto …