MAHILIG ang mga lolo’t lola natin sa mga payong nagmula sa sinaunang paniniwala. ‘Nagpapatalas ng paningin ang carrots,’ ‘mainam ang mansanas na panlaban ng sakit,’ ‘kumain ng gulay para sa magandang panunaw!’ Pero gaano nga ba katotoo ang mga ito?
Kadalasan ay pinaniniwalaan din natin ang mga payong ito, ngunit may bahagyang pagdududa dahil sa ating paniniwala ay puro pamahiin lang naman. Ngunit ilan sa atin ang naghahanap ng mainit na sabaw—kadalasan chicken soup—kapag masama ang pakiramdam natin?
Kung kombinsido rin naman na may katotoha-nan ang mga bilin ni lola para sa ating kalusugan, kapag nabasa ang sumusu-nod ay tiyak na mapapaisip kayo nang mabuti.
NAKALULUNAS NG SAKIT ANG CHICKEN SOUP
Sabi nila, mainam ito para sa kaluluwa, ngunit tunay nga bang nakalulunas ang chicken soup kapag may sipon? Naniniwala rito si Dr. Stephen Rennard ng University of Nebraska Medical Center.
Sa matagal na panahon, pinaniniwalaan ang medi-cinal properties nito, nang hindi man lang alam kung bakit. Nagsagawa si Rennard ng pag-aaral na naghambing sa aktibidad ng white blood cells laban sa impeksyon, pareho kung mayroon o walang chicken soup. Ang konklusyon niya’y ang anti-inflammatory properties na matatagpuan sa chicken soup ang susi rito dahil sumusuporta sa ating immune system at nakagiginhawa sa mga sintomas ng sipon at lagnat.
Bukod dito, sa tradis-yon ay nagbibigay din ng feel-good factor ang sopas na sadyang kailangan sa pag-recover natin mula sa massamang pakiramdam. Mainit ito at masarap—ang perfect comfort food. Nakaha-hydrate din ang sopas at nakatutulong laban sa congestion, mga mahahalagang factor sa paglaban sa sipon.
NAKATUTULONG ANG CARROTS PARA MAKAKITA SA DILIM
Hindi namin maipapa-ngako ang night vision, ngunit lumilitaw na hindi rin pala kasinungalingan ang sinaunang payo. Na-ging popular ang alamat noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nang ilathala ng pamahalaang Britanya ang isang press release para lokohin ang mga opisyal na Aleman. Nakasaad dito, kinombinsi niya na ang mahusay na trabaho sa gabi ng Royal Air Force ay dahil sa mataas na carrot diet na ibinibigay sa kanila; na ang carrots ay nagbibigay ng superhuman seeing powers.
Liban sa biro, may katotohanan din naman ang kanilang isinaad. Mayaman ang carrots sa bitamina A; isang esensiyal na nutrient na kailangan sa healthy vision. Nakatutulong itong protektahan ang ibabaw (surface) ng mata, para mabawasan ang panganib na magkaroon ng cataract, glaucoma at degeneration.
Ang pagkain ng carrots ay nagpapataas ng vitamin A intake kaya nakatutulong ito para mas makakitang mabuti sa dilim. Dangan nga lang ay hanggang sa ‘humanly possible’ lang ito. Siyempre kahit anong dami ng carrots ang kainin ay hindi tunay na makakikita nang maliwanag sa total darkness.
‘AN APPLE A DAY, KEEPS THE DOCTOR AWAY’
Narinig na natin ito nang paulit-ulit, ngunit may tunay nga bang kahulugan ito? Ayon sa mga researcher mula sa Cornell’s Food Science and Toxicology Department sa New York, higit pa ang mga mansanas sa pagkain lamang. Sa isang pag-aaral kamakailan lang, napag-alaman nilang ang isang sariwang mansanas ay naglalaman ng ‘antioxidant properties’ na katumbas ng 1,500 miligramo ng bitamina C’—na umaabot sa upper limit ng ating recommended daily allowance.
Ang bitamina C ang susi sa pagpapalakas ng ating immune system, pagbibigay proteksyon laban sa cardiovascular disease at pagmamantine ng malusog na pa-ngangatawan. Ngunit, karamihan ng mga nutrient ng mansanas ay matatagpuan sa balat nito, kaya iwasang balatan ito para makamit nang husto ang benepisyo ng prutas.
BRAIN FOOD ANG ISDA
Ang tsismis, ang pagkain ng isda ay magpapatalino sa atin—at totoo nga ito. Siksik ang oily fish ng esensiyal na omega-3 fatty acids na nagpapaganda ng ating healthy cognitive function at efficiency, partikular na sa docosahexaenoic acid(DHA). Ang acid na ito ay mayro-ong mahalagang fundamental role sa development ng nerve tissue sa ating utak.
Sa paglalahok ng oily fish sa ating balanced diet, mapapataas natin ang ating DHA levels at napagaganda rin ang ating memorya/ brain performance sa paglipas ng panahon. Para ma-ging epektibo naman ang omega fats, mas mabuti kung iihawin lang o isasarsiyado ang isda.
NAKALULUNAS NG BAD BREATH ANG KINCHAY (PARSLEY)
Kung mahilig magkape, maaaring subukang kumonsumo ng kinchay—ito ang natural na paraan para matugunan ang problema ng bad breath. Nakatutulong ang pagnguya ng ilang dahon nito para ma-neutralize ang mga toxin at maiwasan din ang masasangsang na amoy.
Bilang alternatibo naman, kung hindi ma-enjoy ang lasa ng kinchay, pumili sa iba pang mga berdeng dahon, tulad ng peppermint at sago (sage). Mayaman din ang mga ito sa chlorophyll; isang compound na siksik sa anti-inflammatory properties na kaila-ngan para maiwaksi ang bad breath.
Mataas sa mga antioxidant, nakapagde-deodorize ang kinchay ng pinsalang iniwan ng pagkain at inumin—para tayo ay magkaroon ng sariwa at mabangong hininga na ka-tutuwaan ng ating mga kaibigan.
PINAKAMAHALAGA ANG ALMUSAL
Kadalasan, dahil nagmamadali tayong pumasok (sa eskuwela o sa trabaho o alin mang gawaing pupuntahan), hindi na tayo nakapag-aalmusal pa—at masuwerte na nga kung nakapagkape pa! Ngunit ang pagbabalewala sa ‘first meal of the day’ ay maaa-ring mas nakasisira sa ating diet—at maging sa ating kalusugan.
Tulad nga ng sinasabi sa wikang Ingles na breakfast, ang kahulugan nito ay ‘breaks-the-fast’ para mag-karoon ng kinakailangang mga nutrient matapos ang mahabang pagtulog sa gabi. Ibinabalik nito ang glucose levels, pinagaganda ang focus at konsentrasyon, at nagbibigay sa atin ng carbs na kailangan para tayo ay makapagtrabaho o makagawa ng anomang nais na-ting gawin. Kalaunan, ang ating almusal ay isang vital source ng enerhiya; kung wala ito, para kang makinang tumatakbo nang walang gasolina.
Sa halip manatili sa kama ng 10 minuto pa, bumangon at maghanda ng healthy at hearty breakfast na magpapasimula sa atin ng magandang araw.
ni Tracy Cabrera