Friday , November 15 2024

K-12, mataas na bayarin binatikos ng CEGP (Class opening sinalubong ng protesta)

SINALUBONG ng mga pagkilos laban sa K to 12 at labis na bayarin sa paaralan ang pagbubukas ng klase sa bansa kahapon partkular na binatikos ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP) ang mga patakaran ng administrasyong Aquino na nagpapalubha sa krisis sa edukasyon.

“Milyon-milyong mag-aaral at magulang ang pasasakitan ng gobyerno ni Noynoy Aquino ngayong pasukan. Dagdag-pahirap sa mga estudyante at magulang ang makadayuhang K to 12 at pag-apruba sa tuition increase sa parehong basic at tertiary education ng pamahalaang Aquino,” pahayag ni Marc Lino Abila, Pambansang Pa-ngulo ng CEGP.

“Ang programang K to 12 ay magbubunga ng halos isang milyong dropout sa high school habang ipinagkakait ang edukasyon sa kolehiyo sa sobrang mahal ng tuition at iba pang school fees na sinisingil sa mga mag-aaral sa parehong mga pampubliko at pribadong kolehiyo at pamantasan. Sa patuloy na deregulasyon at komersyalisasyon ng edukasyon sa bansa, ipinagkakait ng gobyerno ang batayang karapatan ng mamamayan sa edukasyon,” paliwanag ni Abila.

“Pilit na ibinubulalas nina Aquino at Department of Education (DepEd) na handa na ang ating bansa sa K to 12 ngunit sa katotohanan, ang programa ni Aquino ay nakabalangkas na lalong palalain at pabulukin ang edukasyon sa bansa. Hindi intensyon ng K to 12 na bigyan ng maayos na edukasyon ang kabataan kundi upang magluwal ng mura at semi-skilled labor para sa mga dayuhan. Lalong palalawigin nito ang labor-export policy, mas paliliitin ang sahod at ibayong pananamantala sa manggagawang Filipino,” dagdag ni Abila.

Sa usapin ng mga bayarin, sinabi ni Abila, hindi kailanman makatuwiran na magtaas ng bayarin habang walang makabuluhang umento sa sahod ang karaniwang manggagawa at kumakamal nang malaking kita ang malalaking pamantasan sa bansa.

“Aabot sa halos P10 bilyon ang kinita ng limang pinakamalalaking pribadong pamantasan. Sinasabi ng mga kapita-lista-edukador na malulugi sila ngunit sa katotohanan ay gusto lamang nilang palakihin lalo ang kanilang hinuhuthot mula sa mga mag-aaral at magulang na nagbabayad nang malaki at nababaon sa utang makapasok lamang sa kolehiyo,” ayon kay Abila.

“Sa ganitong kalagayan, lalong pinag-iibayo ni Aquino ang mga neoliberal na patakaran sa edukasyon na malinaw na hindi nagsisilbi sa mamamayan kundi para lamang sa mga dayuhan at malalaking  negosyo. Ngayong araw itinatakda natin ang pagtutol at pagpapahayag ng galit ng kabataang Filipino sa pamahalaang Aquino sa patuloy nitong pagtutulak sa tiyak na kapahamakan sa kabataan at sambayanan,” pagtatapos ni Abila.

OSY bumaba nang mahigit  50% – Survey

KASABAY ng pagbubukas ng klase kahapon, inihayag ng Philippine Institute for Development Studies na bumaba ang bilang ng out of school youth (OSY) sa bansa.

Ayon sa ahensiya, mula 2.9 milyon na mga batang hindi nag-aaral noong 2008 ay bumaba na ito sa 1.2 milyon.

Sinabi ng ahensiya, nakatulong ang K to 12, Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at Kindergarten Education Act para maibaba ang bilang ng mga kabataang hindi nag-aaral.

About hataw tabloid

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *