Monday , December 23 2024

Hindi dapat ipagsawalang bahala ang trahedya sa Valenzuela

VALENZUELA FIREISA na namang kalunos-lunos na trahedya ang sumampal sa mukha ng sambayanan na sa unang tingin ay dahil sa kapabayaan at kahirapan.

Kamakailan, nabasa pa natin sa mga pahayagan na natuwa umano ang Malacañang dahil lumiit daw ang bilang ng mga nagugutom sa bansa.

Ayon daw sa survey, tatlong milyon na lang umano ang nagugutom sa bansa.

Baka matuwa ang Malacañang kasi 72 mahihirap na manggagawa ang nabawas sa tatlong milyong Pinoy na nagugutom.

‘Yan po ‘yung 72 manggagawa na natupok sa pabrika ng tsinelas (Kentex Manufacturing) sa Brgy. Ugong, Valenzuela, City na pag-aari ng isang Veato Ang.

Kung pag-uusapan ang mga pamantayan na itinatakda ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, litaw na litaw na mayroong matinding paglabag ang nasabing pabrika.

At kung mayroong mga paglabag, bakit nakalusot sa Valenzuela local government, sa Department of Labor and Employemnt (DOLE) at sa Bureau of Fire?!

Alam natin na hindi nag-iisa ang Kentex Ma-nufacturing sa mga paglabag na gaya nito. Alam natin na maraming ganyan sa Valenzuela at sa kanugnog lugar na tinaguriang industrial area.

Pero ang higit na nakalulungkot, sa kabila ng hilatsang pagpapaunlad ng mga Gatchalian sa Valenzuela City, nanatili ang mga problemang gaya nito sa hanay ng iba’t ibang industriya.

Noon pa mang panahon ng Martial Law hanggang ngayon, marami pa rin pabrika ang lumalabag sa batas paggawa.

At kahit talamak ang paglabag, marami pa rin tayong mga kababayan ang napipilitang magtrabaho dahil  mayroon silang  pamilya na kailangang buhayin. Mga anak na dapat pag-aralin at iba pang pangangailangan na kailangan nilang pagsikapang maibigay sa kanilang pamilya.

Kasama sa mga kababayan nating ‘yan,  ‘yung  72 manggagawang tinupok ng apoy sa Kentex Manufacturing. Sila ‘yung piece rate workers o binabayaran batay sa kung ilan ang nagawa nilang produkto. Hindi minimum wage at lalong wala silang mga benepisyo.

Kumakapit sila sa ganitong sistema dahil kailangan nilang mabuhay at para huwag magutom ang kanilang pamilya.

Sana, matapos makapagpagawa ng Museum, ng kalsada, ng mga paaralan, isunod ng mga Gatchalian ang pabahay…

At higit sa lahat, isulong nila ang makataong paggawa para sa lahat ng mga manggagawang nagtatrabaho at naninirahan sa kanilang lungsod.

Dapat patunayan ngayon ng mga batang Gatchalian na mali ang mga manggagawa ng Wellex na nagwelga noon laban sa kanilang tatay na si William Gatchalian dahil sa isyu ng hindi makataong paggawa.

Aanhin ng mga taga-Valenzuela ang hilatsang maunlad sa impraestruktura sa kabuuan ng lungsod kung talamak naman ang paglabag sa saligang karapatan ng mga manggagawa.

Hihintayin pa ba ng mga Gatchalian na magpaulit-ulit ang mga kalunos-lunos  na trahedyang gaya nito?

Huwag naman po sana…

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *