Makaraang balasahin ng PNP Camp Crame ang hanay ng Manila Police Dapartment (MPD) na ikinasibak ng lima sa 11 station commanders sa Maynila dahil sa kakulangan umano ng accomplishment laban sa illegal na droga.
Pero ang tanong ng mga taga-Maynila at MPD police, masasawata na kaya ang talamak na illegal gambling sa siyudad!?
Nagkalat pa rin sa lahat ng sulok ng Maynila ang mga ilegal na bookies ng karera, lotteng, STL cum weteng ng mga sikat na gambling lord gaya nina PACIA, EDNA, ENTENG-1602, PULIS BAGMAN TATA FAKNOY FRESNEDI, JOE TONTON MARANAN at mga KABO na sina OBETLOG IGNACIO, at LOLOY.
Idagdag pa riyan ang mga SUGAL LUPA OPERATORS na parang kabute na nagsulputan sa Maynila.
Mga mesa ng color-game cum pergalan lalo na sa Tondo.
Hindi kaya ‘bagong timbre sa bagong-hepe’ ang mangyari sa mga bagong station commanders?
Nagtataka lang tayo rito sa pamunuan ng MPD, kung bakit parang bulag, pipi at bingi sa mga illegal vices sa Maynila!?
MPD DD Gen. Rolly Nana, paganahin mo ang intelihensiya ‘este intel mo sa mga 1602 sa A.O.R. mo!
‘Yun na!