Monday , December 23 2024

Taklesang Thai national kailangan pa bang iposas?

00 Bulabugin jerry yap jsy

MUKHANG nag-overacting naman ang Bureau of Immigration (BI) sa paglalagay ng posas sa taklesang Thai national na si Prasertsri Kosin alyas Koko Narak sa social media.

Si Kosin ay empleyado ng isang call center company sa bansa. Pinagpiyestahan siya sa social media nang mag-post ng mga panlalait sa mga Filipino.

Tawagin ba namang “pignoys,” “stupid creatures,” “low-class slum slaves” at “useless race in this world” ang mga mamamayan ng bansa kung saan siya nagtatrabaho at pansamantalang naninirahan.

‘E talagang magagalit nga sa kanya ang mga Pinoy.

Heto ngayon, dahil nilabag niya ang batas na itinatakda sa ilalim ng Immigration Act, normal na kailangan siyang papanagutin sa panlalait na ginawa niya sa mga Pinoy.

At isa na nga riyan ang pagpapatapon sa kanya pabalik sa kanyang pinanggalingan. Ang pagpapatapon ay magaganap matapos siyang maideklara ng Immigration Board of Inquiry na isa siyang undesirable alien. Kasunod niyan, ilalagay siya sa talaan ng Blacklist Order.

Sa mga pinakahuling development, mukhang hindi naiintindihan ni Koko Narak ang mga panlalait na ginawa niya sa social media.

Kaya nang ma-realize niya, agad siyang naghain ng voluntary deportation kasunod nito naglabas na rin ng deportation charge ang BI.

Pero ang OA nga rito, as in overacting, ipinosas pa si Koko Narak. Bakit kailangan pa siyang iposas!? Notorious criminal o terorista ba siya? Hindi naman ‘di ba?!

050815 Thai

Hindi ba naisip ng kung sinong nagpaposas kay Koko Narak na marami tayong kababayan sa Thailand na nagtatrabaho o nagbabakasyon doon?!

Tiyak na mkikita nila ang ginawang pagposas kay Narak at s’yempre, magkakaroon ng reaksiyon d’yan ang kanyang mga kababayan.

Humingi rin naman ng sorry si Koko Narak sa mga Filipino sa isang sulat na inilabas sa Facebook page ng ASEAN Community.

Sabi ni Immigration spokesperson Madam Elaine Tan, SOP raw ‘yung pagposas kay Koko Narak.

Gusto tuloy nating itanong, ‘yung Macau resident ba na si Wok Iek Man na hinihilang drug trafficker na nabistong lifted na pala sa Blacklist Order kahit tatlong buwan pa lang ang nakararaan ay pinosasan ba nila nang ganyan noong i-deport nila!?

Hindi ba’t napakaangas at napakayabang pang ipinakita ang kanyang lifting order kahit noong Enero 14, 2015 pa lang siya inilalagay sa Blacklist?

‘E bakit may lifting order na siya na inilabas nitong Abril 24, 2015 na pirmado pa ni Immigration Commissioner Fred ‘valerie’ Mison?!

Bakit hindi ‘yang kaso ni Wok Iek Man ang ginawaan mo ng press release Madam Elaine?!

Bakit d’yan ka gigil na gigil kay Koko Narak?!

Pakisagot na nga Madam Elaine Tan!

TAO NI SILG MAR ROXAS TILA ‘NAGPAKAWALA’ NG MGA ‘ASONG GUTOM’ SA MGA ILEGALISTA SA AOR NG SPD

090214 police bagman

MUKHANG nagkakagulo ngayon sa area of responsibility (AOR) ni SPD Director Chief Supt. Henry Ranola.

‘Yan ay dahil nagpakawala ng mga tila ‘asong gutom’ na mga kolek-TONG ang isang alias Kernel T., nagpapakilalang enkargado ni SILG Mar Roxas, para maging taga-ikot niya sa pasugalan, beerhouse at putahan pati sa bagsakan ng droga.

Kabilang daw sa mga taga-ikot ni Kernel T., ay sina alyas Mike, Felix at Bong.

Umaabot umano sa P270 thousand sa sugal lupa at P400 thousand naman sa jueteng ang nakokolekta ng mga taga-ikot ni Mr. T. Hindi pa umano kasama riyan ang mula sa droga?!

Ang grupo ni Kernel T ang sinasabing sekretong nakaaalam kung magkano ang nakokolekta nila mula sa vices.

Sina alias Rocky, Jerry, Alvin, Ronel, Bong, Mike at Felix ang nagpapakilalang sila ang mga taga-ikot ng PNP-SPD.

Aba, Chief Supt. Henry Ranola, hindi mo ba alam na parang mga asong ulol na nakawala ang mga bagman na pinalalarga ngayon sa ilalim ng iyong teritoryo?!

Gumalaw-galaw ka naman General Ranola!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *