Thursday , December 26 2024

‘Bidding-bidingan’ sa airport CCTV nilinaw ng GM’s office

00 Bulabugin jerry yap jsy

NASA post-qualification stage na pala ang bidding process ng CCTV cameras sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito po ang paglilinaw na ginawa ni Manila International Airport Authority (MIAA) public relations officer David Faustino de Castro.

Nilinaw din ni Mr. De Castro, na nabigo nga ang unang bidding pero ang ikalawang bidding ay ongoing.

Kung mabibigo pang muli ang bidding saka papasok ang MIAA sa pakikipagnegosasyon sa iba pang interesadong bidders.

050215 MIAA NAIA CCTV

At diyan pa lang magkakaroon ng negotiated procurement.

Kung magkakaroon ng nasabing negosasyon, kailangan ng tatlong bidder para mangyari ito.

Inuulit po natin ang paliwanag na ito para sa kapakanan at kaalaman ng lahat ng mga nagtatanong sa isyung ito ng CCTV sa NAIA.

Umaasa po tayo na magiging malinaw na ang isyung ito.

Muli, maraming salamat sa paglilinaw, Mr. De Castro.

PNP-CRAME REVAMP SA MAYNILA, SAMPAL DAW KAY MPD DD ROLLY NANA!?

090214 police bagman

Nabulaga kamakailan ang mga tulisan ‘este pulisya sa iba’t ibang presinto sa Manila Police District (MPD) dahil sa biglang sibakan at balasahan ng station commanders.

Ayon sa ilang UROT sa MPD-HQ, ito raw ay direktiba galing mismo sa Kampo Crame. Nasapol nga raw si MPD DD Gen. Rolly Nana sa naganap na sibakan dahil lima sa kanyang 11 police station commander ang inalis sa puwesto sa bisa ng order na galing mismo kay PNP directorial staff chief Gen. Marcelo Garbo.

Ang rason umano ay walang accomplishment laban sa illegal na droga ang mga station commander na sinibak.

Dagdag ng isang urot sa MPD HQ, “mabuti na lang at hindi si DD Nana mismo ang sinibak.”

What the fact!?

FYI Gen. Garbo, mas maganda sana na sabay na ninyong sinibak ang mga sikat na bagman at delihensiya ‘este intelihensiya boys ng MPD.

Mayroon nga raw isang opisina sa bandang itaas sa likod ng MPD HQ na paboritong istambayan ng mga kotong/bagman cops. Diyan daw iniipon at hinahati ang lahat ng intelihensiya sa buong Kamaynilaan!?

Gen. Marcelo Garbo, pa-surprise visit mo nga minsan ang opisinang ‘yan!

Dahil sa ibinitay na 2 Indonesian women

JAKARTA ITITIGIL NA ANG PAGPAPADALA NG DOMESTIC WORKERS SA MIDDLE EAST

050615 Indonesia

HINDI na umano magpapadala ng domestic workers ang Indonesia sa mga bansa sa Middle East.

‘Yan ay matapos, bitayin ang dalawa nilang mamamayan na nagtatrabaho bilang domestic helper sa Saudi Arabia dahil umano sa kasong murder.

Inihayag ito ng Indonesia, ilang araw matapos, bitayin ang walong drug-convict mula sa iba’t ibang bansa habang ipinagpaliban ang pagbitay sa Pinay na si Mary Jane Veloso.

Kabilang sa mga bansa sa Middle East na maaapektohan ng desisyon ng Indonesia ang

United Arab Emirates, Qatar, Bahrain at Egypt.

Sa loob umano ng tatlong buwan ay ipatutupad na ang kautusang ito.

Nabuo ang desisyon ng Jakarta sa nasabing isyu dahil, una, matagal na silang nakatatanggap ng mga reklamo hinggil sa pagmamaltrato ng Middle Eastern employer sa kanilang mga mamamayan na nagtatrabaho bilang domestic helper.

At ikalawa nga, hindi nakipag-ugnayan sa kanila ang Saudi Arabia government hinggil sa kaso ng dalawang binitay na Indonesian women.

Ginawa na raw ng Indonesia ang nasabing ban noong 2011, matapos pugutan ng ulo ang isang manggagawa.

Pero sa pagkakataong ito, gusto na ng Indonesia na gawing permanente ang ban sa pagpapadala ng mga domestic helper sa Middle East.

Nakaiinggit kung paano mahalin at ipagtanggol ng Indonesia ang kanilang mamamayan.

Kaya nilang magdesisyon at magdeklara ng moratorium o ban sa pagpapadala ng labor force sa iba’t ibang bansa lalo na kung hindi mabuti ang trato sa kanilang mga mamamayan.

Sana, ganoon din katapang ang ating gobyerno. ‘Yung tapang na hindi kailangang makipag-away, makipagsigawan o makipaggiyera kundi ‘yung tapang na kayang manindigan.

Gaano karami na bang Pinay OFWs ang inabuso at minaltrato diyan sa bansa ng mga Arabo!?

Sa tibay ng gulugod ng ating mga lider nakasalalay ang respeto ng ibang bansa sa ating mamamayan.

Kaya hindi dapat magpatawing-tawing ang gobyerno ni PNoy sa pagtatanggol kay Mary Jane.

Ano man ang nabitawang salita ng pamilya Veloso, higit sa lahat, mas dapat lawakan ng mga opisyal ng pamahalaan na nakatutok sa kasong ito, ang kanilang pang-unawa.

Maraming paraan para ipaliwanag sa pamilya Veloso kung ano man ang maging problema sa tuluyang pagliligtas kay Mary Jane.

Ang importante, ipakita ng gobyerno ni PNoy na sila ay pamahalaan na marunong manindigan para sa kanilang mamamayan.

Gayahin kaya ni PNoy ang ginawa ng Indonesia para sa kaligtasan ng mga manggagawang Pinoy?!

Aabangan natin ‘yan.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *