Friday , November 22 2024

“Gunners” sa Solaire Casino iginigisa sa sariling mantika si Razon

rwm bacaratHINDI namamalayan ni businessman tycoon Enrique Razon, na siya pala ay mayroong mga kasosyo sa Solaire Casino na ang puhunan ay LAWAY lang!

Marami nang playing customer ang nagtataka kung bakit napakahigpit sa kanila ng mga Solaire security personnel gayong sila ang lehitimong nagpapasok ng kita sa Solaire Casino.

Ayon nga sa kasabihan, mabubutas ang bulsa ng milyonaryo pero hindi tataob ang bangka ng Casino.

Kaya, ano ang ikinatatakot ng mga security personnel sa playing customers?!

Baliktad na baliktad nga raw ang sistema rito sa Solaire. Ang mga playing customer ay ibina-BAN sa konting problema lang.

Pero maluwag na pinapapasok ng security personnel ‘yung mga ‘naghahanapbuhay’ sa Casino — sila ‘yung kung tawagin ay GUNNER, mga dating JUGING (amuyong) na naging bihasa sa larong Baccarat.

Sila ‘yung mga pinaglalaro ng mga player at kumukuha ng 20 porsiyento sa panalo. Dahil hindi nga nila pera ang ginagamit sa ‘paglalaro’ kaya kung tumaya ay sagad-sagad para sa malaking halaga ng kuwarta na kikitain nila.

Galing lang sa Baccarat ‘e nagkakamal na ng pera. Hindi pa ‘yan, may mga libreng hotel room pa ang mga hinayupak. Kahit itanong pa ninyo kay Solaire BD Allan Ong.

Isa sa mga sikat na sikat na ‘GUNNER’ ngayon sa Solaire Casino ang isang alyas MIKE (ban sa Resorts World Casino) na tumama pa nang dalawang beses na JACKPOT sa slot machine.

Sonabagan!!!

Pinagkakitaan na si Razon, tinangayan pa ng P45 milyones sa slot machine?!

Nakalulusot o pinalulusot ba ng security personnel ‘yang mga GUNNER, Mr. Razon?

Habang maaga pa ‘e paimbestigahan n’yo na rin ang isang security personnel na kung tawagin ay alyas BEN G. ULIKBA na tinatakot pa raw ang mga financer kapag sinisingil ang alaga niyang player.

Mukhang maraming milagrong nangyayari sa casino mo Mr. Razon na hindi naiireport ng trusted mong security officer!?

Pinagtatawanan ka lang ng mga ‘gunner’ sa casino mo!

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *