Kinalap ni Tracy Cabrera
MALAPIT ang pagkakaugnay ng pag-aayuno at abstenensiya ngunit mayroon din mga pagkakaiba sa nasabing spiritual practices.
In general, ang pag-aayuno ay may kaugnayan sa mga pagpipigil sa dami ng pagkaing kinokonsumo at kung kailan ito kokonsumuhin, habang ang abs-tenensiya ay ukol naman sa pag-iwas sa ilang partikular na pagkain. Ang pinakapangkaramniwang uri ng abstenensiya ay pag-iwas sa karne.
Bago ang Vatican II, kinakailangang mag-abstenensiya ang mga Katoliko sa karne kada Biyernes, bilang paghingi ng kapatawaran sa pagpaparangal sa kamatayan ng Panginoong Hesu Kristo sa krus sa kaarawan ng Biyernes Santo. Dahil ang mga Katoliko ay kadalasang pinapayagang kumain ng karne, ang pagpipigil na ito ay lubhang iba sa tinatawag na dietary laws sa Lumang Tipan o ibang mga relihiyon ngayon (tulad ng Islam).
Sa Gawa ng mga Apostoles (Gawa 10:9-16), nagkaroon ng vision si San Pedro na ipinakita ng Panginoong Diyos na maaaring kainin ng mga Kristiyano ang kahit na ano. Kaya kapag tayo ang nag-aabstenensiya, hindi ito dahil sa marumi ang pagkain kundi bo-luntaryong pag-iwas sa isang bagay para sa espirituwal na kapakinabangan.
Ito ang dahilan kung bakit sa ilalim ng batas ng Simba-han, ang mga araw ng abste-nensiya ay pumapatak sa kapanahunan ng Semana Santa, ang panahon ng espirituwal na paghahanda para sa Linggo ng Pagkabuhay.
Maraming mga Katoliko ang hindi nakaaalam na inirerekomenda pa rin ng Simbahan na mag-abste-nensiya sa lahat ng Biyernes ng taon, at hindi lamang sa kapanahunan ng Mahal na Araw. Sa katunayan, kapag hindi tayo nag-abstenensiya sa karne sa mga Biyernes na hindi paloob sa panahon ng Kuwaresma, required ta-yong palitan ito ng ibang uri ng paghihingi ng ka-patawaran.