Enrile, bayani ng EDSA nakakulong pa rin
hataw tabloid
February 17, 2015
Opinion
SI Senador Juan Ponce Enrile, na nag-celebrate ng kanyang ika-89 kaarawan nitong February 4, ay sasalubungin ang EDSA I celebration sa February 22-25 na naka-hospital arrest pa rin. Kahit ano ang sabihin, “arrest” pa rin ito. Ang kaso na isinampa sa kanya, kina Bong Revilla at Jinggoy Estrada, pawang mga senador din, ay plunder.
Siyempre sa isang katulad ni JPE na mas lalong kilala ng bansa, masakit ito lalo pa at isang bayani ng EDSA na tumulong mailuklok ang nanay ni Presidente PNoy na si deceased ex-president Cory Aquino. Mas lalong masakit kung iisipin na noong panahon ni Cory Aquino, ipinakulong din si JPE sa Kasong rebellion complex with murder, kung hindi na tayo nagkakamali.
Pero itanong natin kay Senador Franklin Drilon siya ang nag-imbento ng offense na isinampa kay Enrile. Nakulong din si JPE kung ilang araw.
Ang pangunang pinuno ng military component noon na si Gregorio “Gringo” Honasan, na siyang namuno sa coup d’etat laban kay strongman Marcos, marahil masakit ang loob sa nangyari kay JPE, na mahigit pa sa isang ama ang kanyang turing.
Ano kaya ang iniisip ngayon nina JPE sa sinapit niya sa ilalim ng presidency ng Aquino II government. Si Gringo ay walang kibo, si JPE ay walang kibo sa kabila nang namumuong tsismis (so far, tsismis pa lang) na coup d’etat laban kay PNoy. May mga edad na ang mga bayani noong EDSA I, pero di ba’t ma kasabihan na “Age does not matter, as long as matter does not age?”
Si Miriam Santiago ang nagbulgar na kuno ay may namumuong plano na pasibatin si Pinoy sa pamamagitan ng extra judicial means, ang Coup d’etat. Sabi ni Miriam Santiago ang pinakautak nito ay isang ‘napakayaman’ na tao.
Sa totoo lang ang sama-sama ng loob ni JPE sa ginawa sa kanya na isinabit siya sa pork barrel scam na halos lahat sila tumanggap nito. Idinidiin siya ng oposisyon kay Janet Lim Napoles, na nakakulong din sa Bicutan sa kasong illegal detention. Super bagal ang hearing sa Ombudsman at maging sa Sandiganbayan. Lubhang tahimik si JPE. Parang naninibago ako bilang dating dense-military reporter from 1976-86, na sapol na sapol natin ang halos kabuuan ng martial law na ang existing newspaper (no radio, no TV naka-assign sa DND-AFP) ay pawang mga pro-establishment. Kontrolado lahat ang mga news na lumalabas sa DND press office at maging sa AFP.
Isipin na lang na buhay nina JPE, dating PNP-INP Fidel V. Ramos ang pinuhunan upang pamunuan ang military uprising against Marcos. Tapos ngayon isinasabit sa plunder na hindi maubos maisip ng kampo nina JPE kung bakit sila lang ang isinasabit.
Maging si FVR hindi gusto ang naging palpak na operation ni PNoy bilang commander-in-chief ang military at pulis. Sayang, si JPE pa naman ang kinikilala ng mga DND-AFP reporter na naka-assign noon. Dapat sana nilaliman ang investigation. Kahit ang nakaraang birthday ni JPE, ni isang article sa MEDIA walang nabanggit. Sa ngayon maging si PNoy masyadong tahimik. Dahil ba hindi alam kung ano ang sasabihin pa sa Mamasapano carnage?
Sa experience natin, ang military ay iginagalang ang ating Constitution at kung sino man ang legitimate president/commander in chief. Pero gaya noong EDSA I, taong bayan ang mismong nag-alsa laban kay Marcos.
Anong uri ng celebration ang gagawin ng PNoy government sa EDSA I. Pulos naman iyong mga walang pakialam noon sa EDSA. Si JPE naman, si Gringo ang company. Mas masahol pa sa isang ama ang turing ni Gringo kay JPE, alam natin ‘yan dahil ten years tayo (1976-86) tayo sa DND-AFP beat.