Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Oh My Papa (Part 17)

00 papa logo

BUMAGSAK SI MARCOS NALUKLOK SI CORY PERO HINDI MASAYA SINA TATAY AT NANAY

Isang hatinggabing umuwi ng bahay si Tatay Armando ay ginising ko si Nancy. Ipinakilala ko ang aking asawa na magalang na nagmano sa kanya. Sa pagitan ng paghigop-higop ng kapeng mainit na isinilbi ni Nanay Donata ay mahaba-habang oras ang nagugol namin sa mga hunta-huntahan.

Bago kami muling nilisan ni Itay ay nag-usap muna sila nang sarilinan ni Inay. Naulinigan ko ang kanilang pag-uusap sa loob ng kanilang silid-tulugan. Sa wikang Waray iyon. Sinabi ng tatay ko sa nanay ko na “mukhang may pagka-progresibo” ang kanilang manugang, ang misis ko. Hindi na ako nagulat pa dahil dati nang naugna-yan noon ang asawa ko ng mga kabataang aktibista na dating nakaklase sa kolehiyo. Pero hindi iyon ikinataba ng aking puso, bagkus ay ikinabahala ko pa nga. Ayaw ko kasing makatulad ni Inay ang babaing napangasawa ko.

Pebrero 22-25, 1986 nang maganap ang makasaysayang “People Power” sa EDSA Shrine na nagpatalsik sa kapangyarihan kay Marcos at nagluklok kay Cory Aquino, balo ni Sen. Benigno Aquino, bilang bagong pa-ngulo ng bansa. Bunga nito ay nagdiwang ang sambayanang Filipino sa pagtatagumpay ng mapayapang rebolusyong-EDSA.

Maging ang mga taga-iba’t ibang bansa ay tila nakipagsaya rin. Ganito ang pagkaunawa ko sa komentaryo ng tagapagbalita sa isang estasyon ng radyo sa Amerika: “Gusto naming mga Amerikano na kami ang nagturo sa mga Filipino ng demokras-ya, ngunit ngayong gabi ay itinuro nila iyon sa buong mundo.” Gayonman may sariling pananaw para rito si Tatay Armando nang walang-abog siyang umuwi noon sa aming bahay.

“Demokrasya para kanino? Ang napalitan lang ay mga taong mamumuno pero hindi ang bulok na sistemang umiiral sa ating gobyerno.

(Itutuloy)

 

ni Rey Atalia

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Taguig Childrens Park

Pinakamalaking children’s park sa Lungsod ng Taguig binuksan na sa publiko

PORMAL na binuksan sa publiko ang pinakamalaking Children’s  Park sa Taguig Ciity para sa mga …